Walang malay nang isugod sa ospital ang isang rider na sumemplang sa kahabaan ng national road sa Barangay Poctoy, Odiongan nitong Sabado ng hapon.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, ang rider na si Jay Mark Anthony Orbe, 21, ay patungo nang San Andres nang maaksidente.
Pagdating niya umano sa may pakurbang bahagi ng kalsada, nasalpok niya umano ang isang semento sa harap ng De Villena Store dahilan upang mawalan siya ng kontrol sa kanyang sasakayan at gumulong sa kalsada hanggang bumangga sa pader ng Forcadas Apartment.
Ang rider ay agad na tinulungan ng mga residente sa lugar at dinala sa Romblon Provincial Hospital para sa agarang atensyong medikal.
Nagpapagaling na ito ngayon.


























