Nagsagawa ang Agricultural Training Institute (ATI) MIMAROPA Assessment Center/Techno Demo ng oryentasyon sa 25 na Grade 12 Humanities and Social Sciences (HUMSS) students ng Doroteo S. Mendoza Sr. Memorial National High School sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro.
Ang work immersion ng mga naturang estudyante ay bahagi ng Senior High School Curriculum kung saan magkakaroon ng pagkakataon na linangin ng mga kabataan ang kanilang mga kakayahan at kagalingan sa kanilang mga napiling propesyon.
Ilan lamang sa mga nakalinyang talakayin ng ATI ay ang Organic Production Technology, Organic Fertilizer/Vermicultire and Composting Technology, Organic Pig Production Technology, Organic Chicken/Duck Production Technology, at Small Ruminants Production Technology.
Kaugnay nito, isinagawa noong Pebrero 14 ang oryentasyon hinggil sa Urban Agriculture as a Way to Ensure Food Always in the Home (FAITH) ng 25 na estudyante mula sa naturang paaralan.
Binigyan ng mga panibagong kaalaman ang mga ito kaalinsabay ang mga hands-on activity patungkol sa soil media preparation. Bukod sa mga nabanggit na gawain; bumisita rin ang mga ito da Techno-demo area ng ahensiya upang ipakita ang iba't-ibang best practices dito.
Tatagal ang immersion ng sampung araw mula Pebrero 13 hanggang 24. (JJGS/PIA MIMAROPA)


































