Naglalaro parin sa P200 hanggang P250 ang kilo ng mga lokal na Sibuyas sa bayan ng Odiongan, Romblon bagama't unti-unti nang bumababa ang presyo ng mga Sibuyas na mula sa ibang probinsya.
Ayon sa ilang nagtitinda sa Odiongan Public Market, ang mahirap na kundisyon sa pagtatanim ng Sibuyas ang dahilan kung bakit may kamahalan ang benta rito.
Bumaba na rin naman sa P400 hanggang P450 ang kilo ng mga Sibuyas na imported mula sa ibang probinsya mula sa dating P600 hanggang P700 ang kilo.
Inaasahan umanong bumaba pa ang presyo nito sa mga susunod na araw kasunod nang pagdating ng iba pang supply ng sibuyas mula sa ibang probinsya at mga imported mula sa ibang bansa.


























