Nagsama-sama ngayong Huwebesa bayan ng Looc, Romblon ang mga buntis para sa Buntis Congress 2022 na inorganisa ng Department of Health Romblon katuwang ang Provincial Health Office at Municipal Health Office ng Looc.
May tema ito ngayong taon na “Kalusugan ni Nanay ay pangalagaan, First 1000 days ni Baby ay tutukan”.
Sa isang mensahe, sinabi ni Looc Mayor Lisette Arboleda na makakatulong ang mga ganitong gawain upang mas lalong maunawaan ng mga buntis ang kahalagahan ng pagpapalawak ng kamalayan ng mga kababaihan tungkol sa pagbubuntis, at, panganganak, ganun din ang iba pang serbisyong pangkalusugan para sa mga buntis.
Nagsalita rin sa programa sina Krisia Romero Mallari, RND, at Merly F. Bayang, RND NF-IV, na kung saan ay tinalakay nila ang Safe Motherhood, Childbirth, Nutrition in Pregnancy, Breastfeeding at iba pa.
Nakatanggap naman ng mga Buntis Kit ang mga dumalong buntis.


































