Nagsama-sama nitong weekend ang iba't ibang grupo sa bayan ng Odiongan, Romblon para linisin ang Firmalo Boulevard na napuno ng basura dahil sa bagyong Paeng.
Ang nasabing Community Beach Clean-Up Drive na inorganisa ng Odiongan Municipal Police Station (MPS) ay dinaluhan ng aabot sa 587 na volunteers mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno at non-government organizations kasama ang mga miyembro ng Fraternida Unida na binubuo ng iba't ibang fraternities and sororities sa bayan.
Sa press release ng Odiongan Police Community Relations, sinabi nilang bahagi ito ng Odiongan MPS’ Kaligkasan Program.





















