Ibinahagi ng Professional Regulation Commission (PRC) Mimaropa na may aabot sa 1,696 na bilang na mga professionals ang nakinabang sa ginanap na MOBILE services kamakailan sa bayan lamang ng Odiongan, Romblon.
Ayon sa PRC Mimaropa, kahilingan ng marami ang magkaroon ng mobile services ng PRC sa Romblon upang makatipid ng gastos sa pagbyahe at hindi lumiban sa kani-kanilang mga trabaho.
Sinabi ng Public Employment Service Office (PESO) Odiongan na ang nasabing bilang ay lumapas sa hiling nila sa PRC at hindi umano nila inaasahan na ganito karami ang dadagsa sa Odiongan Covered Court para sa mga serbisyo ng PRC.
Samantala, inanunsyo nitong Huwebes, May 5, ng Provincial PESO na bukas na ang slot para sa mga magpapasa ng aplikasyon para makakuha ng exam para sa mga professional teachers sa darating na Setyembre.
Ayon sa Provincial PESO, maaring mag apply ng appointment sa official website ng Professional Regulation Commission o PRC.
Muling tutungo ang PRC Mimaropa sa Romblon sa darating na May 16-18 para iproseso ang mga aplikasyon.
Sinabi naman ng PESO na ang mga nakapag-appointment na sa Lucena ay kailangan lang magpadala ng request sa kanilang opisina sa pamamagitan ng email para mapabago ang kanilang testeng center.


































