Kinansela ng lokal na pamahalaan ng Odiongan ang nakatakda sanang Market Trade Fair sa bayan na tinawag na ‘Baligyaan sa Odiongan' bukas, November 08, batay sa isang advisory na inilabas ng Odiongan Public Information Office.
Ang nasabing kanselasyon ay bunsod ng napabalitang bagong kaso ng COVID-19 sa ating probinsiya na itinuturing ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) na isang local case.
Sa panayam ng Radyo Natin Odiongan sa Focal Person for Agriculture ng bayan ng Odiongan na si Dr. Eduardo Firmalo, sinabi nito na payo ng Rural Health Unit ng bayan na maghigpit sa pagpapatupad ng health protocols sa bayan habang nagpapatuloy ang contact tracing na ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Romblon sa mga nakalamuha ng bagong kaso ng Covid-19.
Ang nasabing aktibidad ay inilipat sa ika-13 ng Disyembre.


































