Nagsagawa ng seaborne patrol operation ang Philippine National Police – Maritime Group (PNP-MG) sa karagatan ng lalawigan ng Romblon na nagresulta sa pagkakasabat ng tatlong fishing vessel at pag-aresto sa ilang indibidwal na lumabag sa batas pangisdaan.
Batay sa ulat, isinagawa ng Romblon MARPSTA Odiongan Maritime Law Enforcement Team (MLET) ang seaborne patrol sa municipal seawaters ng San Agustin at Calatrava, Romblon noong Enero 27.
Sa operasyon, nasabat ang tatlong fishing vessel na aktwal na nangingisda sa loob ng municipal waters gamit ang ipinagbabawal na active fishing gear.
Ilang indibidwal ang inaresto dahil sa paglabag sa Section 95 ng Republic Act 10654.
Nakumpiska rin ang mga bangka, makina, fishing nets, at mga huling isda na may kabuuang tinatayang halaga na mahigit ₱2.75 milyon.
Ang mga naarestong indibidwal at nasamsam na ebidensya ay dinala sa Romblon MARPSTA Odiongan para sa dokumentasyon at tamang disposisyon alinsunod sa umiiral na batas.
Ayon sa PNP-Maritime Group, bahagi ang operasyon ng kanilang mga seaborne patrol activities sa karagatan ng Romblon.





































Discussion about this post