Humina at isa na ngayong Low Pressure Area ang dating bagyong Wilma, ayon sa ulat ngayong Linggo ng tanghali ng PAGASA.
Ang bagyo ay huling namataan kaninang alas-10 ng umaga malapit sa Cataingan, Masbate.
Dahil sa pagiging LPA nito, tinanggal na rin ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal sa buong lalawigan ng Romblon at iba pang bahagi ng bansa.
Bagama't LPA nalang, inaasahan paring magpapaulan ang LPA at ang shear line sa Romblon hanggang bukas ng tanghali.


































