• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, November 20, 2026
28 °c
Romblon
27 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    San Agustin Central ES, sinimulan na ang implementasyon ng DOST’s Project e-TURO

    San Agustin Central ES, sinimulan na ang implementasyon ng DOST’s Project e-TURO

    PhilHealth Romblon at DOH, palalakasin ang koordinasyon para mapahusay ang serbisyong pangkalusugan

    PhilHealth Romblon at DOH, palalakasin ang koordinasyon para mapahusay ang serbisyong pangkalusugan

    Mahigit 280 kababaihan, sumailalim sa breast at cervical cancer screening sa Odiongan

    Mahigit 280 kababaihan, sumailalim sa breast at cervical cancer screening sa Odiongan

    San Andres, namahagi ng 700 sako ng de-kalidad na binhi ng palay sa mga magsasaka

    San Andres, namahagi ng 700 sako ng de-kalidad na binhi ng palay sa mga magsasaka

    Mahigit 300K Romblomanon, rehistrado na sa PhilHealth

    13 PhilHealth GAMOT facilities, accredited na sa iba’t ibang bayan ng Romblon

    Odiongan Watershed, isinusulong na lugar para sa biodiversity conservation

    Odiongan Watershed, isinusulong na lugar para sa biodiversity conservation

    Mahigit 300K Romblomanon, rehistrado na sa PhilHealth

    PhilHealth Romblon, target maglagay ng assistance desks sa mga pangunahing isla sa 2027

    Mahigit 300K Romblomanon, rehistrado na sa PhilHealth

    Mahigit 300K Romblomanon, rehistrado na sa PhilHealth

    Romblon, may direct flight na patungong Clark

    Sunlight Air, itutuloy ang Clark-Romblon flights sa Disyembre

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
27 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Lifestyle Health

Mahigit 280 kababaihan, sumailalim sa breast at cervical cancer screening sa Odiongan

Ryan Christian SeraspibyRyan Christian Seraspi
November 20, 2026
in Health, Odiongan
Reading Time: 10 mins read
11
0
Mahigit 280 kababaihan, sumailalim sa breast at cervical cancer screening sa Odiongan

Photo Courtesy: Anne Rañin

Share on FacebookShare on Twitter

Mahigit 280 kababaihan ang lumahok sa isinagawang breast at cervical cancer screening ng Odiongan Rural Health Unit (RHU) bilang bahagi ng kampanya ng lokal na pamahalaan para sa maagang pagtukoy at pag-iwas sa mga naturang sakit.

Iniulat ni Dr. Venjune Tansiongco ng Odiongan RHU ang isinagawang aktibidad sa flag ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Odiongan noong Nobyembre 16.

Ayon kay Tansiongco, bahagi ang programa ng cancer awareness initiatives ng lokal na pamahalaan na pinondohan sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Fund. Layunin nitong mailapit sa mga kababaihan ang mga serbisyong pangkalusugan, partikular ang screening para matukoy ang mga posibleng senyales ng breast at cervical cancer.

Target ng programa ang mga kababaihang nasa edad 35 hanggang 60, kabilang ang mga hindi pa sumasailalim sa menopause. Nais din ng RHU na maabot ang lahat ng 25 barangay sa Odiongan upang mabigyan ng pagkakataong makilahok ang mas maraming kababaihan.

Kabilang sa mga prayoridad na benepisyaryo ang mga Barangay Health Worker (BHW), kanilang malalapit na kamag-anak, at mga babaeng may family history o kasaysayan ng breast at cervical cancer sa pamilya.

Isinagawa ang physical breast examination upang matukoy ang posibleng bukol o iba pang abnormalidad sa suso. Para naman sa cervical cancer screening, ginamit ang Visual Inspection with Acetic Acid (VIA), isang paraan ng pagsusuri sa cervix.

Pinangunahan ang mga pagsusuri ng mga sinanay na doktor, nars at midwife. Kasabay nito ang kalahating araw na health education session tungkol sa kahalagahan ng regular na pagpapasuri, breast cancer awareness at HPV vaccination.

Ipinaliwanag din ni Tansiongco ang ilang salik na maaaring magpataas ng panganib ng breast cancer, kabilang ang edad, family history, hormonal factors at ilang lifestyle factors gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng maagang pagtukoy sa sakit at agarang pagpapakonsulta kapag may napansing bukol o pagbabago sa suso, dahil maaaring mapataas nito ang posibilidad ng matagumpay na paggamot.

Samantala, sinabi ng RHU na sa kasalukuyan ay wala pang programang nag-aalok ng libreng mammogram sa ilalim ng Department of Health (DOH) o lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Romblon.

Gayunman, may mga serbisyong maaaring i-avail sa pamamagitan ng PhilHealth para sa karagdagang pagsusuri gaya ng mammogram at ultrasound, alinsunod sa mga umiiral na kondisyon at benepisyo nito.

Binigyang-pansin din ang self-breast examination o sariling pagsusuri sa suso bilang bahagi ng breast cancer awareness. Gayunman, hindi ito kapalit ng clinical examination at kinakailangan pa ring kumonsulta sa doktor kung may mapansing pagbabago o abnormalidad.

Sa pamamagitan ng programa, layunin ng Odiongan RHU na palawakin ang kaalaman ng mga kababaihan tungkol sa breast at cervical cancer at hikayatin silang huwag ipagpaliban ang pagpapasuri.

Related Posts

Odiongan Watershed, isinusulong na lugar para sa biodiversity conservation

Odiongan Watershed, isinusulong na lugar para sa biodiversity conservation

November 20, 2026
Mahigit 300K Romblomanon, rehistrado na sa PhilHealth

Mahigit 300K Romblomanon, rehistrado na sa PhilHealth

November 19, 2026
Leave Comment

Popular Stories

  • Libreng dialysis treatment sa San Agustin, iniaalok sa mga pasyenteng Romblomanon

    Libreng dialysis treatment sa San Agustin, iniaalok sa mga pasyenteng Romblomanon

    57 shares
    Share 23 Tweet 14
  • Madrona, pinasalamatan ang mga konsehal sa suporta sa paglilipat ng RPH sa DOH

    29 shares
    Share 12 Tweet 7
  • PNP, iniimbestigahan ang ‘viral’ rumble ng mga kabataan sa Batiano

    228 shares
    Share 91 Tweet 57
  • Estudyante, nasawi matapos bumangga ang motorsiklo sa puno ng niyog sa Calatrava

    1063 shares
    Share 425 Tweet 266
  • Starlite Ferries ilulunsad ang bagong rutang Romblon–Aklan

    308 shares
    Share 123 Tweet 77
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Starlite Ferries ilulunsad ang bagong rutang Romblon–Aklan

Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

MSMEs sa Odiongan, humina ang bentahan kasunod ng pagbubukas ng bagong shopping center

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Clerk ng korte sa Romblon, sinibak ng Supreme Court dahil sa nawawalang ₱598,444 na pondo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up