Dalawang magkahiwalay na lindol ang naitala sa lalawigan ng Romblon nitong bisperas ng Pasko, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang unang pagyanig ay naitala bandang alas-3:27 ng madaling araw sa layong 22 kilometro timog-silangan ng bayan ng San Fernando sa Sibuyan Island. May lakas itong magnitude 2.9 at naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng isla.
Makalipas ang ilang oras, bandang alas-1:27 ng hapon, isa pang lindol ang naitala sa bayan ng Calatrava, Romblon na may lakas na magnitude 2.3.
Ayon sa Phivolcs, parehong tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol. Dagdag pa ng ahensya, wala namang inaasahang pinsala o aftershocks na kaugnay ng mga nasabing pagyanig.




































Discussion about this post