Walang naitalang casualty sa buong lalawigan ng Romblon matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino, ayon sa pinakahuling ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) noong Miyerkules, Nobyembre 5.
Base sa datos ng PDRRMO, umabot sa 13,511 katao o 4,268 pamilya ang lumikas mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan bilang pag-iingat sa epekto ng bagyo.
Matapos ibaba ng PAGASA ang tropical cyclone wind signals sa Romblon, nakabalik na sa kani-kanilang mga bahay ang mga residenteng pansamantalang nanatili sa mga evacuation center.
Samantala, 118 na pasahero na na-stranded sa Romblon Port sa kasagsagan ng masamang panahon ay pinayagan nang bumiyahe matapos muling buksan ng Coast Guard Station Romblon ang biyahe ng mga sasakyang-dagat palabas ng isla.
Patuloy namang ina-assess ng mga lokal na pamahalaan ang lawak ng pinsala sa imprastraktura at kabuhayan, ngunit nananatiling positibo ang mga awtoridad dahil sa kawalan ng anumang napaulat na nasawi sa lalawigan.




































Discussion about this post