Isinailalim na ang bansa sa State of National Calamity nitong Huwebes bilang tugon sa pinsalang idinulot ng Bagyong Tino sa iba’t ibang rehiyon at sa banta ng isa pang malakas na bagyo, si Uwan, na posibleng manalasa sa mga susunod na araw.
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa isinagawang situation briefing sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Ayon sa kanya, malawak ang pinsalang iniwan ni Tino matapos nitong tawirin ang Visayas at MIMAROPA.
“Regions VI, VII, VIII, MIMAROPA… the damage is heavy,” ayon kay Pangulong Marcos, sabay turing na dapat mapabilis ang pagbangon at pagtugon sa mga apektadong lugar.
Kasunod ng pananalasa ni Tino, nagkaloob ang Office of the President ng kabuuang ₱760 milyon sa iba’t ibang lokal na pamahalaan para sa agarang pagtugon at rehabilitasyon.
₱5 milyon ang inilaan para sa Lalawigan ng Romblon, isa sa mga lugar na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signals habang binabagtas ni Tino ang bahagi ng Visayas at MIMAROPA.
Ang pondong ito ay maaaring gamitin ng probinsya sa relief distribution, emergency shelter assistance, clearing operations, pag-aayos ng imprastraktura, at iba pang kaugnay na serbisyo para sa mga naapektuhan.




































Discussion about this post