Ikinadismaya ni Romblon Representative Eleandro Jesus “Budoy” Madrona, vice chairman ng House Committee on Transportation, ang panukala ng isa sa kanyang mga kasamahan sa Kamara na buwagin ang Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Madrona, walang dahilan para buwagin ang PCG dahil mahalaga ang papel nito sa pagtitiyak ng soberanya ng bansa at sa pagpapanatili ng kaligtasan sa karagatan, partikular sa West Philippine Sea (WPS) at iba pang karagatan ng Pilipinas.
Dagdag pa ng kongresista, patuloy niyang isusulong ang modernisasyon ng PCG upang mas mapaigting pa ang kakayahan nito sa maritime safety at border protection.
Patuloy naman ang pag-iikot sa Romblon ni Madrona para magpaabot ng tulong at ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Opong sa probinsya. Kamakailan ay dinalaw ni Madrona ang mga bayan ng Sta. Maria, Looc, Ferrol, San Agustin, Calatrava, San Andres, at San Fernando para mamahagi ng tulong.




































Discussion about this post