Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng magdala ng mga pag-ulan sa mga susunod na araw.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 1,525 kilometro silangan ng Northern Mindanao at mababa pa ang posibilidad nitong maging ganap na bagyo sa loob ng 24 oras.
Bagaman nasa labas pa ng PAR, maaari pa ring maranasan sa Romblon at ibang bahagi ng MIMAROPA ang mga maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na ulan at pagkulog-pagkidlat dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Samantala, mananatiling banayad hanggang katamtaman ang ihip ng hangin sa kabuuan ng MIMAROPA, kaya’t maayos pa rin ang lagay ng karagatan, maliban kung may mga biglaang thunderstorm.




































Discussion about this post