Hiniling ng Asian Terminals Inc.-Batangas (ATIB) na itaas sa P100 mula P30 ang passenger terminal fee sa Batangas Port bilang cost recovery measure, ayon sa report ng PortCalls Asia.
Ipinresenta ng ATIB sa isang public hearing noong Hulyo 4 na ang bagong singil ay magpapanatili ng mataas na kalidad ng pasilidad at serbisyo. Huling itinaas ang fee noong 2010.
Ayon sa ATIB, 38% ng fee ay mapupunta sa maintenance, 18% sa labor, 14% sa safety at security, at ang natitira sa utilities at administrative costs.
Mananatiling exempted ang mga estudyante, PWD, senior citizens, uniformed personnel, at Medal of Valor awardees at dependents.
Kasama sa serbisyo ang libreng playrooms, prayer rooms, restrooms, ambulance, shuttle service, wi-fi, at charging stations.
Bukas ang pagsusumite ng position papers mula sa mga stakeholder hanggang Hulyo 11.



































