Bilang bahagi ng kanyang plataporma sa pag-unlad ng kabataan at kalusugan, isinusulong ni Vice Mayor Diven Fos Dimaala, na tumatakbong alkalde ng Odiongan, ang pagpapalawak ng sports development program ng bayan sa pamamagitan ng pagtutok hindi lamang sa mainstream na sports kundi pati sa mga alternatibong laro gaya ng sipak takraw, futsal, at iba pa.
“Hindi lang basketball at volleyball ang may talento ang mga kabataan natin. Dapat mabigyan din ng pansin ang iba pang sports kung saan may potensyal ang mga Odionganon,” ani Dimaala. “Ang sports ay hindi lang libangan, ito ay disiplina, komunidad, at oportunidad.”
Kabilang sa mga proyekto na kanyang isusulong ay ang pagpapatayo ng isang bagong sports gym na magbibigay ng espasyo para sa boxing, contact sports, at mga hindi pa karaniwang nilalaro ngunit lumalawak na ang interes sa mga kabataan. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga atletang Odionganon na mahasa, makipagkumpetensya, at magkaroon ng mas malawak na exposure.
Ayon kay Dimaala, mahalaga ring itaguyod ang inclusivity sa sports.
Dagdag pa rito, bahagi ng kanyang plano ang pagsasagawa ng mga grassroots tournaments at community training sessions sa mga alternatibong sports upang mas mailapit ito sa mga kabataan sa bawat sulok ng bayan.
Discussion about this post