Ayon sa Malacañang, ang December 24, 2024, ay idineklarang special non-working holiday.
Bagamat kabilang ito sa mga holiday, ito ay naiiba sa regular holidays dahil ang mga petsa nito ay hindi permanente at nangangailangan ng opisyal na proklamasyon upang maitalagang holiday.
Sa ilalim ng batas, ang mga empleyadong magtatrabaho sa regular holidays ay tatanggap ng 200% ng kanilang arawang sahod. Para naman sa special non-working holidays, ang mga empleyado ay makakakuha ng karagdagang 30% sa kanilang sahod kung sila ay papasok.
Para sa mga hindi magtatrabaho sa regular holidays, babayaran pa rin sila ng kanilang arawang sahod. Ngunit sa special non-working holidays, ipinatutupad ang “no work, no pay” policy, maliban na lamang kung ang kanilang kompanya ay may patakarang nagbibigay ng bayad para sa nasabing araw sa ilalim ng collective bargaining agreement (CBA) o iba pang paborableng polisiya.