Opisyal nang idineklara sa bisa ng isang ordinansa ang buwan ng Agosto bilang Municipal Youth Month sa bayan ng Odiongan, Romblon at ang August 11 bilang Municipal Youth Day.
Ang nasabing ordinansa ay iniakda ni SB Kaila Yap, ang pinakabatang Sangguniang Bayan member na nanalo sa kasaysayan ng eleksyon sa bayan.
Nakapaloob sa nasabing ordinansa na dapat magkaroon sa mga nabanggit na araw at buwan ng aktibidad na makakatulong para mas mapahusay pa ang kabataang Odionganon.
Layunin rin ng ordinansa na mas ma-empower ang mag kabataan at susunod na mga lider ng bayan.
Nakasaad sa ordinansa na kailangang makiisa ang mga Barangay sa mga aktibidad na may kinalaman sa Linggo ng Kabataan, Municipal Youth Month at Municipal Youth Day celebration sa pamamagitan ng pagbibigay pundo sa mga kataang makikilahok sa iba’t ibang aktibidad.
Ilan sa mga aktibidad na gagawin tuwing Agosto ay ang Poster Making Contest, Odiongan Henyo o Quiz Bee, Odiongan Got Talent, Community Service Activity, Trainings, Laro ng Lahi, at song composition.
May sampung natatanging kabataan rin ang bibigyan ng pagkilala na tatawaging Angat Kabataang Odionganon o AKO awardee.