Nasa Northwest na ng Cuyo, Palawan ang bagyong Lannie batay sa ulat kaninang alas-5 ng umaga ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 45 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 55 km/h. Tinatahak ng bagyo ang northwestward direction sa bilis na 25 km/h.
Bagamat nasa northern Palawan na ito, nakataas parin ang babala ng bagyo bilang isa sa anim na bayan sa Romblon: Odiongan, Looc, Alcantara, Ferrol, Santa Fe at San Jose.
Nakataas rin ang signal #1 sa iba pang probinsya: southern portion ng Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands, Antique at western portion ng Aklan.
Sa pagtaya ng Pagasa, asahan parin ngayong araw ang light to moderate rains sa Metro Manila, Western Visayas, Bicol Region, Calabarzon, Central Luzon at sa Romblon, Marinduque, at Mindoro.
Moderate to Heavy rains naman sa Palawan kasama na sa Calamian at Cuyo Islands.