Bilang pakikiisa sa 30th Civil Registration Month (CRM), nagsagawa ng motorcade paikot sa bayan ng Odiongan ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Odiongan sa pangunguna ng Local Civil Registrar’s (LCR) sa pakikipagtulungan naman sa Philippine Statistics Authority (PSA) – Romblon.
Matapos ang motorcade, nagsagawa ng maikling programa sa audio visual room ng Romblon State University kung saan nilahukan naman ng mga mga opisyales at empleyado ng bayan, mga opisyales ng mga barangay, mga empleyado ng PSA at ibang mga partner na ahensya.
Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay, ‘Shaping CRVS by Embracing New Trends in the 4th Industrial Revolution (4IR).’
Nilalayon ng CRM na mapahusay ang nationwide awareness at paalalahanan ang mamamayan ng kanilang tungkulin na magrehistro ng mga kaganapan hinggil sa kanilang katayuan pati na rin ang pagpapahalaga sa mga ligal, administratibo at istatistika ng mga mahahalagang mga dokumento sa Civil Registrar tulad ng mga birth certificate, death certificate at marriage certificates.
Ang taunang paggunita ay alinsunod sa The annual observance is pursuant to Proclamation No. 682 “Declaring the Month of February of Every Year as Civil Registration Month” noong Enero 28, 1991 na nilagdaan noon ni Pres. Corazon C. Aquino, at alinsunod na rin sa PSA Office Memorandum No. 2020-01 na nag-uudyok sa pakikilahok sa pag-obserba sa pagdiriwang ng 2020 Civil Registration Month.