Sampung nagtapos ng Bachelor of Science in Agricultural Engineering sa Romblon State University ang nakapasa sa katatapos lang na November 2019 Agricultural and Biosystems Engineer Licensure Examination na ginanap sa Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Legazpi at Tuguegarao.
Kinilala ang sampu na nakapasa na sina Engr.Jayveen Francisco, Engr.Lilian Galit, Engr.Carla Magallon, Engr.Julle Ann Gado, Engr.Boyniel Gaguis, Engr.Sanny Magcalayo Panganoron, Engr.Leabel Mazo Rogero, Engr. Edgar Maestre, Engr. Ramel Fabon, at Engr. Arlo Gumboc Solano.
Batay sa datus ng Professional Regulation Commission (PRC), ang sampu ay 15.15% ng 66 na examiners kung saan 32 rito ay first timer. Sa pangkalahatan, 711 lamang sa 1,886 na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa sa buong bansa.
Ayon sa PRC, ang venue at petsa ng oathtaking ceremony ay iaanunsyo sa kanilang website sa mga susunod na araw.