May aabot sa 77 na nagtapos sa Romblon State University (RSU) at Erhard Systems Technological Institute (ESTI) sa Romblon ang nakapasa sa November 2019 Criminologist Licensure Examination ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Batay sa datus ng PRC, 12 sa 20 na nakapasa sa mga nagtapos sa ESTI ay mga first time kumuha ng pagsusulit habang aabot sa 79 ang hindi nakapasa.
Sa Romblon State University naman, 52 sa 57 na nakapasa ay mga unang beses sumubok sa pagsusulit habang aabot sa 64 ang hindi nakapasa.
Ang pagsusulit ay ginawa sa mga lugar ng Manila, Antique, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Cotabato, Davao, General Santos, Iloilo, Legazpi, Lucena, Occidental Mindoro, Pagadian, Palawan, Pangasinan, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.
Binigay ang pagsusulit ng Board of Criminology sa pangunguna nina Chairman Ramil Gabao, kasama sina George Fernandez at Ruben Sta. Teresa.
Sa kabuoan, 19,191 sa 43,512 na kumuha ng pagsusulit sa buong bansa ang nakapasa.