• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Sunday, October 18, 2026
29 °c
Romblon
29 ° Mon
29 ° Tue
29 ° Wed
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    DTI Romblon, nagpaalala sa mga negosyo at mamimili sa pagsunod sa product standards

    DTI Romblon, nagpaalala sa mga negosyo at mamimili sa pagsunod sa product standards

    DNA test, kumumpirma sa isang Romblomanon bilang isa sa mga nasawi sa M/V June Aster

    Mga kasong kriminal at anti-graft, pinag-aaralan laban sa may-ari at tripulante ng MV June Aster

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Kooperatiba, daan sa pangmatagalang kabuhayan ng mga pamilyang Romblomanon

    Kooperatiba, daan sa pangmatagalang kabuhayan ng mga pamilyang Romblomanon

    SP Morgado, hinikayat ang kabataan at mga sektor na sumali sa kooperatiba

    SP Morgado, hinikayat ang kabataan at mga sektor na sumali sa kooperatiba

    NIA, nakipag-ugnayan sa DA, DILG at DSWD para sa tulong sa mga magsasaka sa panahon ng El Niño

    NIA, nakipag-ugnayan sa DA, DILG at DSWD para sa tulong sa mga magsasaka sa panahon ng El Niño

    NIA, magpapatupad ng rotational water delivery kung bababa ang suplay ng tubig-irigasyon

    NIA, magpapatupad ng rotational water delivery kung bababa ang suplay ng tubig-irigasyon

    NIA Romblon, naghahanda sa posibleng epekto ng El Niño sa 500 ektaryang sakahan

    NIA Romblon, naghahanda sa posibleng epekto ng El Niño sa 500 ektaryang sakahan

    Tatlong mangingisda sa Santa Fe, tumanggap ng bangkang pangkabuhayan mula DOLE

    Tatlong mangingisda sa Santa Fe, tumanggap ng bangkang pangkabuhayan mula DOLE

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
29 °c
Romblon
29 ° Mon
29 ° Tue
29 ° Wed
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Speakership Game

Romblon NewsbyRomblon News
July 8, 2019 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 18 mins read
5
0
U_Spy: Cha-cha na?
Share on FacebookShare on Twitter

Habang papalapit nang papalapit ang State of the Nation Address (SONA) ni President Mayor Rodrigo Duterte sa July 22, patindi naman nang patindi at parumi nang parumi ang bangayan ng mga kongresista na nag-a-ambisyong maging Speaker o lider ng mga kongresista sa Kamara de Representantes.

Kung ang kurimaw natin na mahilig magmiron sa mga usaping pulitikal ang tatanungin sa tunggalian sa speakership, tingin daw niya, si Taguig City Representative Alan Peter Cayetano daw ang pinakanagkakalat sa apat na itinuturing seryoso sa pinag-aagawang pinakamataas na posisyon sa Kamara, at ika-apat na pinakamataas sa gobyerno.

Bukod kay Cayetano, contender din sa naturang posisyon sina Leyte Rep. Martin Romualdez, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Pero sa tingin ng ating kurimaw, nagpakita kaagad ng kahinaan at pagiging desperado itong si Cayetano nang ibalita niya ang tungkol sa “term sharing” deal daw nila ni Velasco. Bakit nga naman hindi iisipin na mahina ang manok ng mga taga-Taguig, aba'y kung alam mong may sapat kang numero ng mga kongresista na boboto sa iyong speaker, bakit ka papayag sa term sharing?

Sabi ni Cayetano, si Velasco raw ang nagpalutang ng term sharing, bagay na itinanggi naman ng manok ng mga taga-Marinduque. Ngunit sa isang talumpati kamakailan ni President Mayor Digong, kinumpirma niya na may pag-uusap nga ang dalawa na term sharing. Subalit hindi malinaw kung binasbasan nga niya ang kasunduan. Ang malinaw ay sinabi na ng pangulo na hindi siya mag-eendorso ng kandidatong speaker. In short, bahala silang maglabo-labo.

Dahil na rin sa deklarasyon ng pangulo na wala siyang iiendorso, aba'y lumitaw na mali at hindi totoo ang sinabi noon ni Cayetano na binasbasan ng pangulo ang pagtakbo niyang kongresista para maging Speaker. Iyon ang lagi niyang sinasabi na kaya raw siya nagbitiw bilang kalihim ng Foreign Affairs.

Pero ngayon, parang naulit lang nang tumakbo siyang Senate President noon at sinabing suportado siya ni President Mayor Digong. Ngunit kinalaunan, walang binasbasan ang pangulo at si Sen. Koko Pimentel ang naging lider ng Senado.

Tanong tuloy ng ating kurimaw, pinapangunahan ba o inilalagay ni Cayetano sa alanganing posisyon ang pangulo?

Ngayon, lumilitaw na silang dalawa ni Velasco ang nagbabakbakan at tila nagsisiraan. Kahit nga ang anak ng pangulo na si incoming Davao City Rep. Paolo Duterte, eh napipikon na dahil nadadamay siya sa bangayan ng mga aspiranteng speaker. At ayaw na ayaw pala ng bagong kongresista na may idinadamay pang mga misis sa siraan.

Kilala kasi itong si Paolo at kapatid niyang si Mayor Inday Sara na malapit kay Velasco. Ngunit hindi lang ang mga anak ng pangulo ang nakakaladkad sa bangayan sa speakership dahil nadadamay na rin ang ilang kilalang negosyante na nagpapakawala raw ng pera at nagla-lobby sa kani-kanilang manok. Siyempre nga naman, may mga kani-kanilang business interest na gustong pangalagaan ang mga negosyante.

Habang nagbabangayan sila, mukhang tahimik na kumakamada itong Romualdez na ilang beses na nakitang kasama ng pangulo sa ilang lakad niya. Hindi raw magtataka ang ating kurimaw kung isa kina Cayetano o Velasco ang kakausap kay Romualdez ng term sharing din. Pero kung may sapat na bilang ng mga kongresistang si Romualdez, aba'y isnabin niya ang mga ito baka siya naman ang silipan at palabasin na nakikipagsabwatan sa kaninoman.

Tungkol kay Alvarez, mukhang kailangan niyang magpakita sa nakairingan niyang si Mayor Inday Sara nang malaking bilang ng mga kongresista na sumusuporta sa kaniya. Sa ganitong paraan lang siguro niya makukumbinsi ang alkalde na ibigay sa kaniya ang suporta kaysa kapartido niya sa PDP-Laban na si Velasco. Kung hindi ito mangyayari, malamang na taga-ibang partido ang maging Speaker.

Paalala nga pala mga tsong, dahil tag-ulan na at panahon ng pag-aabangan sa anunsyo kung may klase ang mga bata o wala, alalahanin na kapag nagdeklara ang PAGASA ng storm warning signal, kaagad nang malalaman kung may pasok o wala ang mga bata. Kapag Signal No.1, walang pasok ang mga nasa kindergarden at pre-school; Signal No.2, walang pasok ang kindergarden, pre-school, elementary at high school; Signal No.3, lahat ay walang pasok pati sa kolehiyo.

Kung walang inilalabas na storm signal ang PAGASA pero malakas ang ulan, ang mga lokal na opisyal [tulad ng mayor] ang dapat magbigay ng abiso kung may pasok o wala. Tanong ng ating kurimaw, papaano kung wala ring abiso si mayor at napasarap ang tulog? Aba'y tuloy ang pasok at i-bash na lang nang katakot-takot si mayor sa social media.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!

(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    426 shares
    Share 170 Tweet 107
  • Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

    1157 shares
    Share 463 Tweet 289
  • Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    4366 shares
    Share 1746 Tweet 1092
  • Duguang sekyu, nakahingi pa ng tulong bago muling habulin ng suspek sa RSU San Andres

    933 shares
    Share 373 Tweet 233
  • San Andres police, pinalalakas ang kampanya laban sa karahasan

    137 shares
    Share 55 Tweet 34
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Walong indibidwal, nasagip matapos masiraan ng bangka sa karagatan ng Corcuera

IPMR ng Calatrava, ipinagtanggol ang patas na pagbatikos kay Madrona sa gitna ng mga alegasyon

Printwise, nagbukas ng bagong branch sa Odiongan sa tulong ng DOLE at DOST

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up