• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Saturday, November 14, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Cajidiocan, naghahanda ng assistance para sa mga magsasakang maaapektuhan ng Very Strong El Niño

    Cajidiocan, iniwasan ang tanghaliang payout para maprotektahan ang senior citizens sa heat stroke

    Cajidiocan, iniwasan ang tanghaliang payout para maprotektahan ang senior citizens sa heat stroke

    Biyahe ng RORO patungong Oriental Mindoro, suspendido na

    Cajidiocan mayor, umaasang maibabalik ang biyahe ng Starlite Ferries sa kanilang pantalan

    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Construction ng bagong palengke sa Cajidiocan, sinimulan na upang palakasin ang lokal na kalakalan

    Construction ng bagong palengke sa Cajidiocan, sinimulan na upang palakasin ang lokal na kalakalan

    Kauna-unahang shopping mall sa Romblon, binuksan sa Odiongan

    Kauna-unahang shopping mall sa Romblon, binuksan sa Odiongan

    DSWD, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng UPLIFT cash aid sa Odiongan

    DSWD, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng UPLIFT cash aid sa Odiongan

    Tourism stakeholders sa Carabao Island, sinanay ng DTI sa product photography at digital applications

    Tourism stakeholders sa Carabao Island, sinanay ng DTI sa product photography at digital applications

    Inflation sa Romblon, bahagyang bumagal sa 5.5% nitong Oktubre 2026

    Inflation sa Romblon, bahagyang bumagal sa 5.5% nitong Oktubre 2026

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: May panagutin kay Manoy!

Romblon NewsbyRomblon News
June 17, 2019 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 18 mins read
7
0
U_Spy: May panagutin kay Manoy!
Share on FacebookShare on Twitter

Marami ang nagulantang sa nangyari sa icon ng Philippine showbiz si Manoy Eddie Garcia nang bigla siyang isugod sa ospital dahil sa isang aksidente habang nagta-taping sa isa niyang teleserye.

Noong una, inakalang inatake sa puso ang beteranong aktor dahil bigla siyang natumba sa isang eksena sa kalye ng isang upcoming TV series ng GMA 7. Sabagay sa edad ni Manoy na 90, malamang na iyon kaagad ang iisipin ng mga tao sa set na baka inatake nga o na-stroke ang aktor.

Pero mabuti na lang at may nakakuha ng video nang pagbagsak niya nang pasubsob. Sa naturang video, marami ang nakapansin na sumabit ang paa ni Manoy sa kable. Pero siyempre, dahil unang kumalat ang balita na inatake siya sa puso, iisipan ng mga nakapanood na baka nga inatake muna siya sa puso kaya siya napatid.

Ang iba naman siguro, inisip na napatid muna siya at saka inatake sa puso matapos bumagsak.

Makalipas ng isang araw at masuri na sa ospital si Manoy, unti-unti nang nalinawan na hindi nga raw inatake sa puso ang hinahangaang aktor. Bagkos ay nagkaroon siya ng bali sa leeg dulot ng pagkakabagsak mula sa pagkakapatid sa kable batid sa nag-viral na video.

Habang isinusulat natin ito, “in deep sleep” pa rin daw at kritikal ang lagay ng ating idol. Ayaw yata nilang sabihin “comatose” dahil marahil sa “medical term” kasi nga eh hindi siya na-stroke [para maapektuhan ang kaniyang utak] o inatake [para naman sa puso]. Ngunit ang malinaw, ang dating masiglang 90-anyos na aktor na handa pa ring magtrabaho, nakaratay ngayon sa pagamutan.

Kaagad na pinuna ng ilang natin kurimaw na nakausap ang kable; bakit daw may kable sa dadaanan ng isang 90-anyos na artista? Naiintindihan natin ang ibig sabihin ng ating mga kurimaw, tila nagkaroon ng pagkukulang sa tamang mangangalaga sa isang nirerespeto at may edad na artista ang namamahala sa taping.

Lumilitaw din umano na walang “medic” at ambulansiya sa taping gayung “action scene” ang kanilang kukunan na maaaring magkaroon ng sakitan o aksidente,—na nangyari nga, at sa kinamalas-malasan pa ay sa isang sikat at nirerespetong artista.

Hindi naiwasan ng mga kurimaw natin na magtanong din kung bakit kailangan pang bigyan ng eksena na kailangan tumakbo ang isang 90-anyos na aktor? Kahit pa sabihin na ayaw ni Manoy na magpa-dobol o may ibang tao na gagawa ng kaniyang eksena, aba'y dapat naman yata na tiniyak na maayos ang lahat ng kaniyang gagalawan.

Linawin lang natin, wala tayong nais sisihin pero maraming tanong ang dapat mabigyan ng linaw. Habang isinusulat natin ito, tiniyak ng pamunuan ang GMA 7 na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa pangyayari—kasama na ang lumabas sa video na tila pagkakapatid sa kable ng aktor at kung bakit walang nakaantabay na medic at ambulansiya sa location shooting.

Sa nangyari kay Manoy na lumitaw na nagkaroon siya ng bali sa leeg, dapat nakahiga siya at may suporta sa leeg nang dalhin sa ospital. Ganito ang ginagawa mga tsong sa mga naaksidente sa kalye para maiwasan na lumala ang pinsalang tinamo nila. Pero ang nangyari kay Manoy, dahil nga inakala ng mga tao sa taping na inatake siya, nakita sa mga larawan sa social media na binuhat siyang paupo at dinala sa ospital nang wala sa ambulansiya. Hindi natin alam kung nagalaw-galaw pa ang leeg niya habang isinusugod sa ospital.

Tiyak na pag-uusapan sa mga produksyon ng mga kompanyang gumagawa ng teleserye o pelikula ang nangyaring ito kay Manoy. Sana eh may mapulot silang aral tungkol sa nangyari kaugnay sa pagtitiyak sa kaligtasan ng mga tao na kasama nila sa shooting o taping—malaki man o maliit na artista, at pati na rin sa mga manggagawa.

Kung tutuusin naman eh hindi talaga maiiwasan ang aksidente sa anumang trabaho lalo na sa mga ganitong shooting at ma-aksyon ang mga eksena. Kahit nga sa Hollywood na ubod na ang ingat ay nagkakaroon pa rin ng mga sakuna. Hindi ba't sa aksidente sa shooting namatay ang anak ni Bruce Lee na si Bradon Lee dahil sa tama ng bala. Ilang sikat na artista na rin ang nasaktan at naospital dahil sa mga aksidente.

Kaya naman dapat lang na asahan na maaaring magkaroon ng mga aksidente sa taping o shooting. Dahil dito, dapat mas maging maingat sa mga eksena at bukod doon, dapat may nakaantabay na medical personal na kikilos kapag may nangyaring hindi maganda. Ipagdasal natin na makabawi sana si Manoy sa laban niyang ito.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!

(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    64 shares
    Share 26 Tweet 16
  • Karamihang kawani ng gobyerno, tatanggap ng sahod at year-end bonus sa Nobyembre 13

    41 shares
    Share 16 Tweet 10
  • Mainit na panahon, posibleng dahilan ng paglabas ng mga ahas

    179 shares
    Share 72 Tweet 45
  • RSU, iba pang island universities, nagkasundo sa pagtatatag ng alyansa

    21 shares
    Share 8 Tweet 5
  • Lalaking patungong Romblon, arestado sa Batangas Port dahil sa marijuana

    552 shares
    Share 221 Tweet 138
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

DTI, nagbabala sa pagbili ng uncertified Christmas lights

Corcuera, nakatanggap ng bagong garbage compactor truck

32 Romblomanon, nagtapos sa Philippine Coast Guard Non-Officers’ Course sa Zamboanga

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Clerk ng korte sa Romblon, sinibak ng Supreme Court dahil sa nawawalang ₱598,444 na pondo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up