Halos dalawang araw matapos ang eleksyon, nanalo bilang Vice Governor ng lalawigan ng Romblon si incumbent Board Member Felix Ylagan kontra sa kalaban nitong si incumbent Board Member Arming Gutierrez.
Batay sa election results mula sa Commission on Elections, lumamang ng 449 votes si Ylagan.
Maalalang natagalan ang pag-canvass ng boto sa isang presinto sa Barangay Patoo sa bayan ng Odiongan dahil sa nagkaproblemang SD Card ng ginagamit na vote counting machine (VCM). Dinalaang depektibong SD Card sa batangas noong Lunes at dumating ang may dala nito sa Odiongan nitong hapon ng Martes dala na ang mga umaandar na card.
Inaasahang ngayong hapon ipro-proklama ng Provincial Board of Canvassers si Ylagan bilang bagong Vice Governor ng lalawigan ng Romblon.