• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Monday, October 19, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Tue
29 ° Wed
29 ° Thu
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    38 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

    38 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

    Relic ni St. Carlo Acutis, bibisita sa Diocese of Romblon

    Relic ni St. Carlo Acutis, bibisita sa Diocese of Romblon

    DTI Romblon, nagpaalala sa mga negosyo at mamimili sa pagsunod sa product standards

    DTI Romblon, nagpaalala sa mga negosyo at mamimili sa pagsunod sa product standards

    DNA test, kumumpirma sa isang Romblomanon bilang isa sa mga nasawi sa M/V June Aster

    Mga kasong kriminal at anti-graft, pinag-aaralan laban sa may-ari at tripulante ng MV June Aster

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Kooperatiba, daan sa pangmatagalang kabuhayan ng mga pamilyang Romblomanon

    Kooperatiba, daan sa pangmatagalang kabuhayan ng mga pamilyang Romblomanon

    SP Morgado, hinikayat ang kabataan at mga sektor na sumali sa kooperatiba

    SP Morgado, hinikayat ang kabataan at mga sektor na sumali sa kooperatiba

    NIA, nakipag-ugnayan sa DA, DILG at DSWD para sa tulong sa mga magsasaka sa panahon ng El Niño

    NIA, nakipag-ugnayan sa DA, DILG at DSWD para sa tulong sa mga magsasaka sa panahon ng El Niño

    NIA, magpapatupad ng rotational water delivery kung bababa ang suplay ng tubig-irigasyon

    NIA, magpapatupad ng rotational water delivery kung bababa ang suplay ng tubig-irigasyon

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Tue
29 ° Wed
29 ° Thu
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Magkikita pa rin sa final!

Romblon NewsbyRomblon News
October 14, 2018 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 13 mins read
7
0
U_Spy: Nasan ang huli nyo?
Share on FacebookShare on Twitter

Nakaraang Huwebes binuksan ng Comelec ang pagtanggap sa certificate of candidacy ng mga kakandidato, pati na ang mga “payaso” na planong kumandidato sa darating na 2019 mid-term elections.

Agad namang nagbabala na may kasamang pakiusap ang Comelec na huwag naman sanang gawing “circus” ang besinidad ng kanilang tanggapan sa paghahain ng COC na tatagal hanggang sa susunod na linggo [Oktubre 17]. Kadalasan kasi, may kaniya-kaniyang pakulo ang ilang kandidato tulad ng pagdadala ng mga banda at sangkatutak na supporters.

Hindi naman maiiwasan iyon kung tutuusin dahil may mga tagasuporta na gustong “sumipsip” sa kandidato. Kung manalo nga naman ang kanilang manok, baka makahirit sila ng kung anuman ang gusto nilang ipakiusap.

May kandidato rin na sadyang gumagawa ng ingay at pakulo para mapansin ng media—at sa panahon ngayon ng social media, baka nga naman maging “viral” ang kanilang post lalo na sa mga tatakbong senador.

Ibang usapan naman ang mga “panggulong” kandidato at may mga “sapak” na gusto ring magpapansin. Asahan na baka may mga “sugo” na naman ng kung ano-ano na maghahain ng kanilang kandidatura para sagipin ang mga Pinoy sa kung ano-anong delubyo.

Ngunit maliban siguro sa pag-aabang kung sino-sino ang mga tatakbong senador, tiyak na aabangan din kung anong posisyon ang tatakbuhan nina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, at ang dati niyang katandem sa Senate hearing na si Senador Antonio Trillanes IV.

Tapos na kasi ang termino ni Trillanes bilang senador at may posibilidad na siya ang tumakbo o gawing nominado sa kanilang partylist group na Magdalo, na kasalukuyang hawak ni Rep. Gary Alejano, na tatakbo namang senador.

Samantala, sa kaniyang Facebook post, may himig na ng pamamaalam sa Palasyo si Cayetano bilang kalihim ng DFA. At gusto ngang bumalik sa Taguig-Pateros.

Bago kasi naging senador si Cayetano kung saan nakasabay at naging buddy-buddy niya sa mga pagdinig si Trillanes para imbestigahan noon si dating Bise Presidente Jejomar Binay, naging kongresista muna ang kalihim.

Pero gaya nga ng pag-ibig na paminsan-minsan eh walang “forever,” unti-unting tumabang ang relasyon ng dalawa at nagkabanggaan bago pa ang 2016 elections kung saan pareho pa silang tumakbong bise presidente, at pareho ring natalo.

Sino nga ba naman ang makakalimot sa isang Senate hearing na sinabihan ni Trillanes si Cayetano na “hindi kita papopormahin.”

Kung panalo’t panalo rin lang ang pag-uusapan, masasabi ng ating kurimaw na mahilig sa penoy at balut na swak na sa timba ang panalo ni Cayetano. Si Trillanes naman, bagaman baka maging tagilid dahil mukhang gusto siyang ipakulong ng kasalukuyang gobyerno, kailangan din siguro nilang bantayan nang husto ang mga boto para sa kanilang partylist group na Magdalo at baka maglaho na parang bula.

Kapag nanalo si Cayetano, aba’y malaki pa sa ulo ng ET ang posibilidad na maging Speaker siya ng Kamara. At kung manalo naman si Trillanes at magpapatuloy ang kanilang hidwaan ni Cayetano, puwedeng siya naman ang maging House minority leader.

Kung mangyari nga ito, sino kaya sa kanila ang magsasabi naman ng, “hindi kita papopormahin?” Abangan natin ang susunod na kabanata.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!

(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • 38 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

    38 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

    491 shares
    Share 196 Tweet 123
  • Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

    1225 shares
    Share 490 Tweet 306
  • Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    4408 shares
    Share 1763 Tweet 1102
  • Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    456 shares
    Share 182 Tweet 114
  • IPMR ng Calatrava, ipinagtanggol ang patas na pagbatikos kay Madrona sa gitna ng mga alegasyon

    40 shares
    Share 16 Tweet 10
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Dolphin, patay na natagpuan sa baybayin ng Santa Fe

RSU, pinarangalan ang pioneer graduates ng 1976 sa kanilang ika-50 anibersaryo

Walong indibidwal, nasagip matapos masiraan ng bangka sa karagatan ng Corcuera

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up