Limang bagong graduate ng Romblon State University – College of Business and Accountancy ang nakapasa sa katatapos lang na October 2018 Certified Public Accountant (CPA) board exam anim na araw pagkatapos ng exam noong October 6, 7 at 13, 2018
Ang limang bagong CPA ay kinilalang sina James Bryan Veneracion, Charlotte Falamig, Krissa Morente, MM Montoya, at Eldy-J Gagwis.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), lima sa labindalawang kumuha ng October 2018 Certified Public Accountant (CPA) board exam ang nakapasa sa nasabing pagsusulit, sa buong bansa 3,616 sa 14,358 ang nakapasa.
Ang nasabing pagsusulit ay ginanap sa mga lugar ng Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Tacloban at Tuguegarao.
Wala pang anunsyo ang PRC kaugnay sa araw at lugar ng oath taking ng mga nakapasang bagong CPA.