• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Saturday, November 14, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Cajidiocan, naghahanda ng assistance para sa mga magsasakang maaapektuhan ng Very Strong El Niño

    Cajidiocan, iniwasan ang tanghaliang payout para maprotektahan ang senior citizens sa heat stroke

    Cajidiocan, iniwasan ang tanghaliang payout para maprotektahan ang senior citizens sa heat stroke

    Biyahe ng RORO patungong Oriental Mindoro, suspendido na

    Cajidiocan mayor, umaasang maibabalik ang biyahe ng Starlite Ferries sa kanilang pantalan

    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Construction ng bagong palengke sa Cajidiocan, sinimulan na upang palakasin ang lokal na kalakalan

    Construction ng bagong palengke sa Cajidiocan, sinimulan na upang palakasin ang lokal na kalakalan

    Kauna-unahang shopping mall sa Romblon, binuksan sa Odiongan

    Kauna-unahang shopping mall sa Romblon, binuksan sa Odiongan

    DSWD, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng UPLIFT cash aid sa Odiongan

    DSWD, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng UPLIFT cash aid sa Odiongan

    Tourism stakeholders sa Carabao Island, sinanay ng DTI sa product photography at digital applications

    Tourism stakeholders sa Carabao Island, sinanay ng DTI sa product photography at digital applications

    Inflation sa Romblon, bahagyang bumagal sa 5.5% nitong Oktubre 2026

    Inflation sa Romblon, bahagyang bumagal sa 5.5% nitong Oktubre 2026

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Napakasakit Kuya Alan!

Romblon NewsbyRomblon News
August 19, 2018 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 16 mins read
2
0
U_Spy: Nasan ang huli nyo?
Share on FacebookShare on Twitter

Marami ang nagsasabi na hindi biro ang maging pangulo ng bansa dahil sa dami ng problema na kailangan mong harapin. Kaya naman hindi natin masisisi si President Mayor Rodrigo Duterte kung paulit-ulit niyang nababanggit na kung minsan ay pinag-iisipan na niyang magbitiw.

Rewind tayo nang kaunti bago ang pagkapanalo niya noong 2016 elections. Bago ang naturang halalan, ilang beses na nabanggit ng pangulo na wala siyang balak na tumakbong presidente. Sa edad nga naman niyang 70 nang panahong iyon, mas maganda nga naman na nagre-relax na lang siya at ienjoy ang kaniyang buhay na kasama ang pamilya.

Sa tagal na rin niya sa public service, hindi na masama kung nagretiro na siya, o kaya naman ay puwede rin na mabigyan siya ng posisyon na hindi masyadong maproblema at maaari siyang magbakasyon, makapaglibang at maalagaan nang husto ang kaniyang kalusugan.

Pero hindi siya tinantanan ng ibang nagnanais na tumakbong bise presidente, partikular si Alan Peter Cayetano, na kalihim ngayon ng Foreign Affairs department. Kung hindi niya siguro makukumbinsi na tumakbong presidente si Duterte, kakandidato siyang bise presidente nang walang kasamang presidential candidate.

Mahirap nga namang manalo kung “single” ka sa eleksyon. Aba’y ngayon nga sa EDSA, hindi na rin pinapayagang tumakbo ang mga “single” sa sasakyan. Ang kaso, kahit nakumbinsi ni Cayetano na tumakbong presidente si Duterte, olats pa rin siya sa vice presidential race laban kay Leni Robredo.

Ngayon, tila nasasagad na, napapagod at nadidismaya si President Mayor dahil sakabila ng pagsisikap niya na ayusin ang bansa tulad ng pagsugpo sa katiwalian sa gobyerno, krimen at droga, ay patuloy pa rin ang mga ito. Kung tutuusin, hindi naman talaga madaling masugpo ang naturang mga problema dahil deka-dekada nang nandiyan ang mga ‘yan kaya malabong mawala kaagad. Iyong nga lang, nakakadalawang-taon pa lang ang pangulo sa puwesto pero dumadaing na siya sa hirap.

Kahit naman si dating Pangulong Noynoy Aquino noong nanalo ay tila nanibago sa unang mga taon niya sa pamamahala. Gaya ni Duterte, wala rin plano noon si Noynoy na tumakbong presidente pero hiningi iyon ng pagkakataon at ng kaniyang mga “boss” na taong-bayan. At natapos niya ang kaniyang termino at iniwan na mas maganda ang kalagayan ng bansa at ekonomiya kaysa sa inabutan niya.

Ang kaibahan nga lang sa sitwasyon ng dalawa, si Noynoy, maayos ang kalusugan at 50-anyos lang nang tumakbo at nanalong pangulo. Kumpara kay President Mayor na 71-anyos na at aminadong may ilang mga karamdaman gaya ng Barrett’s esophagus, Buerger’s disease, migraine at pananakit ng likod dahil sa aksidente niya sa motorsiklo.

Kaya naman hindi maiwasan ng ating kurimaw na magtanong kung kakayanin pa kaya ng kalusugan at pasensiya ni Duterte ang natitirang apat na taon ng kaniyang termino?

Sa magkahiwalay na pagtitipon sa Malacanang, sinabi ni Duterte na handa siyang magbitiw sa puwesto kung hindi si VP Leni ang papalit sa kaniya. Tingin kasi ng pangulo, hindi kakayanin ni VP ang mga problema ng bayan. Mas gusto raw niya na military junta, o katulad nina Senador Chiz Escudero o dating Sen. Bongbong Marcos ang papalit sa kaniya.

Iyon nga lang, marami ang nakapansin kung bakit hindi nabanggit ni President Mayor si Cayetano sa mga gusto niyang pumalit sa kaniya? Nakalimutan lang kaya niya si Cayetano? O hindi talaga siya bilib sa kaniyang dating VP candidate? O masama ang loob niya kay Kuya Alan dahil kung hindi sa kaniya eh baka nagre-relax lang siya ngayon sa Davao City kasama si Kitty.

Kung nais ng mga tagasuporta ni President Mayor na manatili siya puwesto at hindi magbitiw, aba’y hayaan lang nila sa puwesto si Leni bilang VP. Dahil sa oras na manalo si Marcos sa electoral protest nito laban kay Leni, aba’y si Marcos ang magiging VP at baka totohanin ni Duterte ang pagre-resign. Tiyak na malalaglag ang mga appointee ni Duterte.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!

(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    63 shares
    Share 25 Tweet 16
  • Karamihang kawani ng gobyerno, tatanggap ng sahod at year-end bonus sa Nobyembre 13

    41 shares
    Share 16 Tweet 10
  • Lalaking patungong Romblon, arestado sa Batangas Port dahil sa marijuana

    552 shares
    Share 221 Tweet 138
  • Mainit na panahon, posibleng dahilan ng paglabas ng mga ahas

    179 shares
    Share 72 Tweet 45
  • RSU, iba pang island universities, nagkasundo sa pagtatatag ng alyansa

    20 shares
    Share 8 Tweet 5
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

DTI, nagbabala sa pagbili ng uncertified Christmas lights

Corcuera, nakatanggap ng bagong garbage compactor truck

32 Romblomanon, nagtapos sa Philippine Coast Guard Non-Officers’ Course sa Zamboanga

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Clerk ng korte sa Romblon, sinibak ng Supreme Court dahil sa nawawalang ₱598,444 na pondo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up