• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Monday, October 19, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Tue
29 ° Wed
29 ° Thu
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    38 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

    38 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

    Relic ni St. Carlo Acutis, bibisita sa Diocese of Romblon

    Relic ni St. Carlo Acutis, bibisita sa Diocese of Romblon

    DTI Romblon, nagpaalala sa mga negosyo at mamimili sa pagsunod sa product standards

    DTI Romblon, nagpaalala sa mga negosyo at mamimili sa pagsunod sa product standards

    DNA test, kumumpirma sa isang Romblomanon bilang isa sa mga nasawi sa M/V June Aster

    Mga kasong kriminal at anti-graft, pinag-aaralan laban sa may-ari at tripulante ng MV June Aster

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Kooperatiba, daan sa pangmatagalang kabuhayan ng mga pamilyang Romblomanon

    Kooperatiba, daan sa pangmatagalang kabuhayan ng mga pamilyang Romblomanon

    SP Morgado, hinikayat ang kabataan at mga sektor na sumali sa kooperatiba

    SP Morgado, hinikayat ang kabataan at mga sektor na sumali sa kooperatiba

    NIA, nakipag-ugnayan sa DA, DILG at DSWD para sa tulong sa mga magsasaka sa panahon ng El Niño

    NIA, nakipag-ugnayan sa DA, DILG at DSWD para sa tulong sa mga magsasaka sa panahon ng El Niño

    NIA, magpapatupad ng rotational water delivery kung bababa ang suplay ng tubig-irigasyon

    NIA, magpapatupad ng rotational water delivery kung bababa ang suplay ng tubig-irigasyon

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Tue
29 ° Wed
29 ° Thu
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Ang federalismo

Romblon NewsbyRomblon News
July 19, 2018 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 16 mins read
12
0
U_Spy: Nasan ang huli nyo?
Share on FacebookShare on Twitter

Sa darating na State of the Nation Address o SONA ni President Mayor Rodrigo Duterte sa July 23, asahan na ibibida at ibebenta niya sa Kongreso at sa publiko na suportahan ang isinusulong niyang pagbabago sa sistema gobyerno sa paraan ng federalismo.

Kamakailan lang, natapos na ng 22-member panel na Consultative Committee na pinamumunuan ni dating Chief Justice Reynato Puno, ang final draft ng federal constitution na mistulang papalit sa ating kasalukuyang saligang batas.

Aba’y may anim na buwan din (o anim na buwan lang), na niratsada ng ConCom ang paghimay sa mga probisyon ng “fed consti” na magtatakda ng mga panuntunan gaya ng kung ilan ang magiging “state” o estado sa Pilipinas [tulad sa Amerika na may State of California], ilan ang magiging senador at kongresista, gaano katagal ang magiging termino ng ating mga halal na opisyal, at iba pa.

Bukod dito, kasama rin sa inilahad na mungkahi ng ConCom ang pagkakaroon ng 10-member Federal Transition Commission na mamamahala at susubaybay sa panahon na nagsisimula ang federal government hanggang sa lubusan itong ipatupad sa 2022—ang taon na magtatapos ang termino ni Duterte bilang pangulo sa ilalim ng kasalukuyang sistema.

Iyon nga lang, may mga agam-agam kung doon na nga ba magtatapos ang termino ni President Mayor dahil kung pagbabatayan daw ang draft report, bukod sa siya ang mangunguna sa transition commission, puwede ring kumandidato muli si Duterte sa 2022 elections—pati na si Vice President Leni Robredo.

At dahil sa draft report ng federal form na apat na taon ang termino ng pangulo at maaaring kumandidato pa ng isa pang beses, aba’y bukod sa puwedeng siyang tumakbong muli bilang pangulo sa 2022 elections na may termino hanggang 2026, puwede siyang mag-re-elect sa 2026 elections para sa panibagong apat na taong panunungkulan hanggang 2030.

Kung 73-anyos na ngayon ang pangulo, 77-anyos siya pagsapit ng 2022. Kung makakahirit pa siya ng walong taon sa kapangyarihan sa ilalim ng federal government, aba’y 85-anyos na siya nun, o katumbas ng 14 na taon sa Palasyo.

Dahil higit na nakararami ang kaalyado ng administrasyon sa Kongreso, malaki ang posibilidad na makalusot sa mga mambabatas ang pag-amyenda ng Saligang Batas at maaprubahan ang panukalang federalism. Kung pagbabatayan din ang survey ng Social Weather Station, marami sa mga nakakalam ng federalismo ang sang-ayon dito (37% agree, 34% undecided at 29% ang tutol.

Iyon nga lang, ibang tinapay ang pagpabor sa federalismo pagdating naman sa usapin ng pag-amyenda o paggalaw sa ating Saligang Batas. Kung paniniwalaan naman kasi ang nakaraang survey ng Pulse Asia, lumilitaw na pito sa bawat 10 Pinoy ang tutol na baguhin ang Saligang Batas [64% ang tutol, 23% lang ang pabor].

Aba’y bawat administrasyon yata mula nang matapos ang termino ni dating Pangulong Cory Aquino eh tinangkang amyendahan ang Saligang Batas pero nabigo dahil sa hinala na ang tanging agenda ng mga mambabatas ay alisin ang term limits ng mga halal na opisyal para sa one-to-sawa silang makatakbo at pakapuwesto. Tandaan na inilagay sa 1986 constitution ang term limits dahil sa naging karanasan noon ng bansa sa ilalim ng diktaturyang rehimen.

Sa totoo lang, sinasabing noong panahon ni dating Noynoy Aquino III ang pinakamagandang panahon na amyendahan ang Saligang Batas dahil wala siyang intensyon na magtagal sa kapangyarihan. Iyon nga lang, mas tinutukan niya ang pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

Kung lumusot man sa mga kamay ng mga mambabatas ang chacha at federalismo, asahan na dadaan pa ito sa plebisito para alamin kung susuportahan ng mga mamamayan. Tiyak na ibang usapan pa ang mga inaasahang mga protesta lalo na kung lilitaw na ang tanging layunin ng pag-amyenda ay magtagal lang sa kapangyarihan ang mga opisyal.

Tiyak din na magiging isyu rin kung kaya bang solusyunan ng chacha at federalismo ang maraming problema ngayon ng bayan lalo na tumataas na mga bilihin at serbisyo, patayan, at lumulubong utang panlabas at iba pa. Aba'y ating abangan.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!
(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • 38 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

    38 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

    479 shares
    Share 192 Tweet 120
  • Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

    1221 shares
    Share 488 Tweet 305
  • Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    4407 shares
    Share 1763 Tweet 1102
  • Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    456 shares
    Share 182 Tweet 114
  • IPMR ng Calatrava, ipinagtanggol ang patas na pagbatikos kay Madrona sa gitna ng mga alegasyon

    39 shares
    Share 16 Tweet 10
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Dolphin, patay na natagpuan sa baybayin ng Santa Fe

RSU, pinarangalan ang pioneer graduates ng 1976 sa kanilang ika-50 anibersaryo

Walong indibidwal, nasagip matapos masiraan ng bangka sa karagatan ng Corcuera

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up