Isang magarbong daytime fireworks display ang naging hudyat ng pagsisimula ng Palarong Pambayan sa bayan ng Looc, Romblon ngayong taon bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang Town Fiesta Celebration na may temang One Looc 2018.
Ayon kay Town Fiesta Celebration President Jonathan Gaytano, aabot sa halos 50 na grupo galing sa bawa’t barangay ang maglalaban-laban sa mga larong basketball, volleyball, boxing, table tennis, laro ng lahi, at gay walkaton.
Dinaluhan nina Looc Mayor Leila Arboleda at ng iba pang leader ng bayan ang nasabing opening ceremony kanina sa Public Plaza.
Magtatagal ang nasabing palaro hanggang April 26.