Kung ikaw ay magawi sa bayan ng Odiongan, Romblon para sa isang bakasyon at hanap mo ay kakaibang pagkain, subukan ng bisitahin ang BAIP’s Coffee Yard sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon katabi ng Virginia Centurione Bracelli School.
Matitikman mo rito ang masarap na Japanese food na tinatawag nilang Makki Rolls or Makki Sushi.
Mapapa-oishi ka sa sarap dahil malalasap mo ang lasa ng flavor ng mangga na hinaluan ng iba pang sakap na may friend macapuno na toppings.
Sulit ang pasyal mo rito dahil matitikman mo rin ang masarap nilang milkshakes na hindi lang pang tiyan, pang instagram rin.