Nagkaloob ang Department of Labor and Employment (DOLE) – Romblon ng mga kagamitang pangkabuhayan sa 11 benepisyaryo sa bayan ng Corcuera sa Simara Island, noong October 27 at 28, upang matulungan silang magkaroon ng sariling pagkakakitaan at mapalakas ang kabuhayan ng kanilang pamilya.
Ayon sa DOLE Romblon, pitong benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong para sa kanilang candy-making business noong 27.
Noong 28 naman, dalawang benepisyaryo ang pinagkalooban ng mga kagamitan sa pagsasaka, habang dalawa ang tumanggap ng kagamitan sa pagkakarpintero.
Ang mga benepisyaryo ay mga magulang ng mga batang naitala ng ahensya na kabilang child laborers noong taong 2021.
Layunin ng tulong na mabigyan ang mga pamilya ng alternatibong mapagkukunan ng kita at masuportahan ang pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.


























