Pormal nang binuksan ang bagong 1-storey, two-classroom building sa Canyayo Elementary School bilang karagdagang pasilidad para sa mga mag-aaral.
Isinagawa ang ribbon-cutting ceremony na dinaluhan ng mga guro, magulang, estudyante at lokal na opisyal upang saksihan ang pagbubukas ng bagong gusali.
Inaasahang makatutulong ang karagdagang mga silid-aralan sa pagbibigay ng mas maayos, ligtas at komportableng lugar para sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng Canyayo Elementary School.
Kabilang sa kinilalang mga katuwang sa proyekto sina Education Secretary Sonny Angara, Department of Public Works and Highways (DPWH), Schools Division Superintendent Roger Capa, gayundin ang mga barangay at lokal na opisyal, guro, magulang at mga mag-aaral.
Ang bagong gusali ay karagdagang pasilidad ng paaralan na naglalayong suportahan ang patuloy na pagpapabuti ng learning environment at mga serbisyong pang-edukasyon para sa mga mag-aaral.



































Discussion about this post