Sinimulan na ng Ahon Kabuhayan SLP Association ang operasyon ng kanilang General Merchandise Project sa Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon, gamit ang ₱600,000 livelihood assistance mula sa DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP).
Pinamamahalaan ang proyekto ng 20 miyembro ng asosasyon na sama-samang mangangasiwa sa operasyon at pagpapanatili ng kanilang tindahan.
Layunin ng livelihood project na mabigyan ang mga miyembro ng karagdagang pagkakakitaan para sa kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng sama-samang pagpapatakbo ng isang community-based enterprise.
Nasaksihan nina Municipal Mayor Riza G. Pamorada at Barangay Poblacion Captain Gil O. Solidum Jr. ang pagbubukas ng proyekto, kasama ang mga kinatawan ng DSWD SLP na sina Provincial Coordinator Gare A. Gaa, SLP-PDO II personnel Gilbert F. Fabella at Merly O. Urbano, gayundin si SP Member–2nd District Irene Morgado.
Sa pagsisimula ng operasyon, inaasahang pagtutulungan ng 20 miyembro ang pamamahala sa tindahan upang mapanatili ang proyekto at mapalago ang kanilang pinagkakakitaan.



































Discussion about this post