Matagumpay na isinagawa ang inauguration at turn-over ceremony ng Improvement of Access Road Sub-Project ng DSWD KALAHI-CIDSS sa Sitio Guinpoingan, Barangay Tabugon, Santa Fe, Romblon.
Isinagawa ang seremonya bilang pagkilala sa matagumpay na pagkumpleto ng proyekto na naglalayong mapabuti ang access at transportasyon ng mga residente sa komunidad.
Sa pamamagitan ng improved access road, inaasahang magiging mas maayos ang pagbiyahe ng mga residente at paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa lugar. Makakatulong din ito sa pagpapadali ng access ng komunidad sa iba’t ibang oportunidad.
Nakiisa sa turn-over ceremony ang mga kinatawan ng DSWD KALAHI-CIDSS, mga katuwang na ahensya, mga opisyal ng Barangay Tabugon, community volunteers at mga residente na naging bahagi ng pagpapatupad ng proyekto.
Binigyang-diin sa proyekto ang kahalagahan ng community participation at sama-samang pagkilos sa pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad.
Sa pagkumpleto at pormal na pag-turn over ng access road, inaasahang makatutulong ito sa pagpapadali ng transportasyon at pag-access ng mga residente sa mga pangunahing serbisyo at iba pang oportunidad sa Barangay Tabugon.



































Discussion about this post