Pormal nang binuksan sa publiko ang Lakan Indoor Spot, ang kauna-unahang indoor pickleball court sa bayan ng Odiongan, na naglalayong magbigay ng karagdagang pasilidad para sa patuloy na lumalaking bilang ng mga mahilig sa nasabing sport.
Magsisilbi ang bagong pasilidad bilang lugar para sa mga residente na nais maging aktibo, mapangalagaan ang kanilang kalusugan at magkaroon ng kapaki-pakinabang na libangan sa pamamagitan ng paglalaro ng pickleball.

Mabilis na naging popular ang pickleball sa Odiongan, kaya madalas na limitado ang mga puwesto sa mga umiiral na court. Dahil dito, inaasahang malaking tulong ang bagong pasilidad sa pagbibigay ng karagdagang lugar para sa mga manlalaro at mga nais matuto ng sport.
Ayon kay SB Member Kaila Yap, patuloy ang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Odiongan sa mga gawaing pampalakasan na nakatutulong sa paghubog ng kasanayan at disiplina ng mga kabataan, gayundin sa pagsusulong ng aktibong pamumuhay sa komunidad.
Dahil indoor ang Lakan Indoor Spot, maaari ring ipagpatuloy ng mga manlalaro ang kanilang paglalaro kahit maulan o mainit ang panahon.
Ang bagong pasilidad ay pagmamay-ari ng mag-asawang sina Jail Superintendent Jam Soriano at Viv Soriano.



































Discussion about this post