Nakatakdang katawanin ng 14-anyos na Guinhayaan, Looc, Romblon native na si Kennedy Ilacio Fabito ang Pilipinas sa SIOL International Mountain Bike Challenge 2026 na gaganapin mula Agosto 21 hanggang 23, 2026 sa SIOL MTB Track sa Kuching, Sarawak, Malaysia.
Lalahukan ang torneo ng mga mountain bikers mula sa iba't ibang panig ng Asia at paglalabanan ang mga event na Cross-Country Olympic (XCO) Continental Series (CS), Downhill (DHI) Class 2 (C2), Cross-Country Eliminator (XCE) Class 3 (C3), Cross-Country Short Track (XCC) Class 3 (C3), at Cross-Country Team Relay – Mayor's Trophy.
Ipinanganak si Kennedy sa Odiongan, Romblon at nagtapos ng kanyang elementarya sa bayan ng Looc. Sa kasalukuyan ay nasa Tagaytay siya upang mas mapagtuunan ang kanyang pagsasanay bilang paghahanda sa nalalapit na kompetisyon. Ito ang magiging kauna-unahang pagkakataon na sasabak siya sa isang international mountain bike competition.
Tatayong head coach ng koponan ang isa ring Romblomanon mula sa San Jose, Romblon na si Rodney Lasanas.
Umaasa ang koponan na makapagbibigay ng karangalan sa Pilipinas at maipapakita ang husay ng mga batang atletang Pilipino sa international mountain biking competition.



































Discussion about this post