Nakipagpulong nitong Huwebes ang mga gobernador ng MIMAROPA, kabilang si Romblon Governor Trina Alejandra Firmalo-Fabic, kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago upang talakayin ang pagpapatupad ng MIMAROPA Diamond Route.
Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor, layunin ng inisyatiba na mapag-ugnay ang limang lalawigan ng MIMAROPA sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapahusay ng mga pantalan at passenger terminals sa rehiyon.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Dolor na inaasahang mapapabuti ng proyekto ang konektibidad at accessibility sa pagitan ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan, na magpapabilis sa pagbiyahe ng mga pasahero at kalakal.
Nagpasalamat din siya kay Santiago sa patuloy nitong suporta sa pagsasakatuparan ng proyekto.
Para sa Romblon, inaasahang makatutulong ang MIMAROPA Diamond Route sa pagpapalawak ng inter-island connectivity, pagpapalakas ng turismo at kalakalan, at pagpapabuti ng transportasyon sa pagitan ng mga lalawigan sa rehiyon.



































Discussion about this post