• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Sunday, November 1, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Sun
28 ° Mon
28 ° Tue
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Paggamit sa bagong Lucena Port Terminal, libre buong 2026

    Paggamit sa bagong Lucena Port Terminal, libre buong 2026

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Dalawang silid-aralan sa Looc, Romblon, nasunog

    28 Magkasintahan, nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan ng San Andres

    28 Magkasintahan, nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan ng San Andres

    Mart Arthur Silverio, bagong Vice Mayor ng Romblon

    Mart Arthur Silverio, bagong Vice Mayor ng Romblon

    Lolo Genaro ng Cajidiocan, nakatanggap ng ₱100,000 cash gift matapos mag-100 taong gulang

    Lolo Genaro ng Cajidiocan, nakatanggap ng ₱100,000 cash gift matapos mag-100 taong gulang

    Regla, bagong IPMR ng bayan ng Cajidiocan

    Regla, bagong IPMR ng bayan ng Cajidiocan

    Romblon, kinilala ng DA-BAI sa kampanya kontra ASF

    Romblon, kinilala ng DA-BAI sa kampanya kontra ASF

    Romblon, may pinakamataas na poverty incidence sa mga probinsya ng MIMAROPA

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Mga sasakyang pandagat sa San Jose, nilagyan ng GPS tracker ng DOST

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Sun
28 ° Mon
28 ° Tue
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Lifestyle Health

PHO Romblon, target makamit ang ‘herd immunity’ sa mga bata sa pamamagitan ng bakunahan

Paul Jaysent FosbyPaul Jaysent Fos
May 12, 2026
in Health, Local News
Reading Time: 9 mins read
41
0
PHO Romblon, target makamit ang ‘herd immunity’ sa mga bata sa pamamagitan ng bakunahan
Share on FacebookShare on Twitter

Target ng Provincial Health Office (PHO) ng Romblon katuwang ang iba’t ibang Rural Health Unit (RHU) sa lalawigan na makamit ang “herd immunity” sa mga bata upang maprotektahan ang komunidad laban sa mga vaccine-preventable diseases tulad ng tigdas, polio, hepatitis, at iba pang nakahahawang sakit.

Ayon kay Dr. Renato Menrige Jr. ng Rural Health Unit ng Ferrol, mahalaga ang pagbabakuna upang maprotektahan ang mga tinatawag na “susceptible individuals” o mga taong madaling dapuan ng sakit, lalo na ang mga batang wala pang limang taong gulang.

Ipinaliwanag ni Menrige na ang mga bakuna ay nagsisilbing proteksyon laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malalang komplikasyon at maging sanhi ng pagkamatay ng bata kapag hindi naagapan.

Kabilang sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna ang hepatitis B, diphtheria, pertussis, tetanus, measles o tigdas, rubella, at polio.

“Ang gusto natin ay maintindihan ng tao ang kahalagahan ng bakuna dahil nagbibigay ito ng proteksyon laban sa mga vaccine-preventable diseases,” ayon kay Menrige.

Binigyang-diin niya na pangunahing prayoridad ng pamahalaan ang mga batang edad zero hanggang limang taon dahil sila ang mas vulnerable sa malalang komplikasyon ng mga sakit.

Kaugnay nito, target ng PHO Romblon sa ilalim ng isasagawang Supplemental Immunization Campaign ng Department of Health (DOH) sa Agosto na mabakunahan ang 95 porsyento ng halos 26,000 bata sa lalawigan upang makamit ang herd immunity sa komunidad.

Ipinaliwanag ni Menrige na mahalaga ang herd immunity upang maprotektahan hindi lamang ang mga nabakunahan kundi maging ang mga hindi maaaring tumanggap ng bakuna dahil sa medical conditions.

“Ang herd immunity po ay parang bakod. Kapag matibay po ito at mataas ang proteksyon ng komunidad, kahit iyong mga hindi nabakunahan ay napoprotektahan din,” paliwanag niya. Ayon pa sa health official, kapag mataas ang vaccination coverage sa isang komunidad ay bumababa rin ang posibilidad ng pagkalat ng mga nakahahawang sakit.

Hinimok naman ng PHO at mga RHU ang mga magulang na samantalahin ang libreng bakuna mula sa pamahalaan upang maiwasan ang pagdami ng mga batang hindi kumpleto sa immunization.

Dagdag pa ni Menrige, hindi man ganap na mapigilan ng bakuna ang pagkakasakit, malaking tulong pa rin ito upang hindi lumala ang kondisyon ng bata at maiwasan ang mga komplikasyong maaaring ikamatay nila.

Related Posts

81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

Dalawang silid-aralan sa Looc, Romblon, nasunog

October 31, 2026
28 Magkasintahan, nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan ng San Andres

28 Magkasintahan, nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan ng San Andres

October 30, 2026

Popular Stories

  • 81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Dalawang silid-aralan sa Looc, Romblon, nasunog

    201 shares
    Share 80 Tweet 50
  • Clerk ng korte sa Romblon, sinibak ng Supreme Court dahil sa nawawalang ₱598,444 na pondo

    1598 shares
    Share 639 Tweet 400
  • 28 Magkasintahan, nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan ng San Andres

    53 shares
    Share 21 Tweet 13
  • Romblon, may pinakamataas na poverty incidence sa mga probinsya ng MIMAROPA

    90 shares
    Share 36 Tweet 23
  • Paggamit sa bagong Lucena Port Terminal, libre buong 2026

    17 shares
    Share 7 Tweet 4
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

SSS members na may sahod na ₱10,000 pababa, makakatanggap ng UPLIFT assistance

PCSO Lotto Results – October 28, 2026

Mariano Mateo, nag-resign bilang bese alkalde ng Romblon

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Clerk ng korte sa Romblon, sinibak ng Supreme Court dahil sa nawawalang ₱598,444 na pondo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up