May bago nang pupuntahan para sa mga nais magpaganda at magpa-enhance ng kanilang katawan at mukha sa bayan ng Odiongan, Romblon matapos magbukas ang IS Lumière Luxe Medical Aesthetics.
Pinangunahan ang pagbubukas ng bagong aesthetic clinic na ito nina Dr. Sharmyn Ruado, DMD, at Ma. Isabel Famero, RN, USRN, na layuning dalhin sa lalawigan ang mas modernong paraan ng pagpapaganda nang hindi na kailangang sumailalim sa operasyon.
Isa sa ipinagmamalaki ng clinic ang Rhinolift, isang non-surgical procedure para sa paghubog at pagpapatangos ng ilong. Bukod sa Rhinolift, nag-aalok din ang clinic ng iba't ibang procedures tulad ng Jawtox, Nose Enhancement, at Botox.
Para naman sa skin care, mayroon silang acne treatment, pagtanggal ng milia at warts, scar reduction, at glutathione drip. Available rin ang HIFU, RF, at laser tattoo removal para sa mga nais ng mas advanced na procedures.
Mayroon ding mga procedures para sa katawan tulad ng lipolysis, body shaping, at headspa, na layong matugunan ang iba't ibang pangangailangan ng kanilang mga kliyente.
Sa ngayon, bukas na ang clinic para sa lahat ng non-surgical treatments, habang ang kanilang surgical services ay sumasailalim pa sa pagsusuri upang masigurong ligtas at de-kalidad ang mga ito.
Bilang selebrasyon ng kanilang pagbubukas, nag-aalok ang IS Lumière Luxe Medical Aesthetics ng up to 20% discount sa ilan sa kanilang services.
IS Lumière Luxe Medical Aesthetics is a premier clinic dedicated to evidence-based beauty solutions. Under the leadership of Dr. Sharmyn Ruado and Ma. Isabel Famero, the clinic prioritizes patient safety, clinical integrity, and transformative results.
Contact Information:
Location: Milagros Building, Tablas Circumferential Road, Poctoy, Odiongan
Phone: 09171757260 / 09275746500
Email: islumiereluxe@gmail.com
Facebook/Instagram: @islumiereluxmedical / Lumière Luxe Medical Aesthetics



































Discussion about this post