• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Thursday, November 19, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Mga kabataan, hinimok na maging mapanuri sa mga nababasa online

    Mga kabataan, hinimok na maging mapanuri sa mga nababasa online

    Libreng dialysis treatment sa San Agustin, iniaalok sa mga pasyenteng Romblomanon

    Libreng dialysis treatment sa San Agustin, iniaalok sa mga pasyenteng Romblomanon

    Cantingas River Resort, pinakadinayong tourist attraction sa Romblon noong Oktubre

    Cantingas River Resort, pinakadinayong tourist attraction sa Romblon noong Oktubre

    FAAS Lofts Hotel sa San Agustin, nangungunang hotel sa Romblon

    FAAS Lofts Hotel sa San Agustin, nangungunang hotel sa Romblon

    30 PDL sa Odiongan District Jail, tumanggap ng tig-₱3K educational assistance mula DSWD

    30 PDL sa Odiongan District Jail, tumanggap ng tig-₱3K educational assistance mula DSWD

    Halos 200K bisita, naitala sa mga pasyalan at accommodation establishments sa Romblon

    Halos 200K bisita, naitala sa mga pasyalan at accommodation establishments sa Romblon

    Mahigit 240K ePhilID, naimprenta at naipamahagi na ng PSA Romblon

    Mahigit 240K ePhilID, naimprenta at naipamahagi na ng PSA Romblon

    Starlite Ferries’ new route this December: Odiongan to Batangas

    Starlite Ferries ilulunsad ang bagong rutang Romblon–Aklan

    Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

    Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News

Sen. Bong Go pinuri ang mga konsehal ng Romblon sa paglalapit ng serbisyo sa mamamayan

Ana MendozabyAna Mendoza
March 11, 2026
in Local News
Reading Time: 13 mins read
44
0
Sen. Bong Go pinuri ang mga konsehal ng Romblon sa paglalapit ng serbisyo sa mamamayan
Share on FacebookShare on Twitter

Dumalo si Senador Christopher “Bong” Go, na itinuturing na adopted son ng Romblon, sa 1st Philippine Councilor League (PCL) Romblon Chapter Convention 2026 na ginanap noong Marso 10 sa Diamond Hotel Manila, kung saan pinuri niya ang mga lokal na mambabatas sa kanilang aktibong papel sa paglalapit ng serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.

Sa kanyang mensahe, kinilala ng senador ang pagsisikap ng mga konsehal na hindi lamang tumuon sa paggawa ng mga ordinansa kundi pati na rin sa direktang pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mamamayan.

“Lahat kayo, mga kapatid ko kasi adopted son ninyo ako. Sa panahon ngayon, napakahalaga na ang ating mga batas ay sumasabay sa pangangailangan ng ating panahon. Malaki po ang aking respeto sa mga konsehal dahil sa araw-araw ninyo na trabaho. You deserve some rest. Tao lang po tayo na kailangan din pong magpahinga kahit papaano,” pahayag ni Go.

Binalikan din ng senador ang kanyang mga naging pagbisita sa lalawigan at muling tiniyak ang kanyang patuloy na suporta sa mga Romblomanon.

“Naka-attend po ako sa palaro ninyo doon sa Romblon noong nakaraang mga taon. Bilang inyong senador, patuloy po akong magseserbisyo sa inyo. Literal na bukas po ang aking opisina para sa inyong lahat at sa abot ng aking makakaya ay magseserbisyo po ako sa inyo,” dagdag pa niya.

Sa naturang pagtitipon, kinilala rin ni Go ang mga opisyal ng PCL Romblon Chapter, kabilang sina President Board Member Mart Silverio, Vice President Councilor Romeo Chua, Secretary General Councilor Menchie Garachico, Treasurer William Tan, Auditor Councilor Zaldy Marin, Public Relations Officer Councilor Nhiesel Teologo, at Business Manager Councilor Unique Muros, pati na ang iba pang miyembro ng board of directors.

Nag-abot din si Go at ang kanyang team ng ilang token sa mga dumalong konsehal bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo publiko.

Bilang miyembro ng Senate Committee on Local Government, muling iginiit ng senador ang kanyang suporta sa mga panukalang naglalayong palakasin ang lokal na pamamahala at magbigay ng higit na tulong sa mga opisyal ng barangay at mga frontline worker.

Kabilang sa mga inisyatibang ito ang Republic Act No. 11466, na kanyang co-authored at co-sponsored, na nagbibigay ng salary adjustments sa mga empleyado ng pamahalaan kabilang ang mga healthcare worker.

Naghain din si Go ng Senate Bill No. 197 na naglalayong magbigay ng mga benepisyo sa mga opisyal ng barangay na katulad ng natatanggap ng mga regular na empleyado ng gobyerno kapag ito ay naisabatas.

Patuloy din niyang isinusulong ang Senate Bill No. 412, na kanyang muling inihain sa 20th Congress, na naglalayong gawing institusyonal ang kompensasyon at benepisyo ng mga barangay health worker bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa paghahatid ng pangunahing serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga komunidad na kulang sa serbisyong medikal.

Bilang Vice Chairperson naman ng Senate Committee on Health, binanggit din ni Go ang kanyang panukalang Senate Bill No. 1289 na naglalayong magtatag ng Level III general hospital sa Oriental Mindoro na tatawaging MIMAROPA Regional Hospital kung maisasabatas.

“Huwag po kayong mag-atubiling lumapit sa akin anumang oras. Mahal na mahal ko po kayo diyan sa Romblon,” pagtatapos ni Go.

Related Posts

Mga kabataan, hinimok na maging mapanuri sa mga nababasa online

Mga kabataan, hinimok na maging mapanuri sa mga nababasa online

November 19, 2026
Libreng dialysis treatment sa San Agustin, iniaalok sa mga pasyenteng Romblomanon

Libreng dialysis treatment sa San Agustin, iniaalok sa mga pasyenteng Romblomanon

November 19, 2026

Popular Stories

  • Starlite Ferries’ new route this December: Odiongan to Batangas

    Starlite Ferries ilulunsad ang bagong rutang Romblon–Aklan

    280 shares
    Share 112 Tweet 70
  • MSMEs sa Odiongan, humina ang bentahan kasunod ng pagbubukas ng bagong shopping center

    98 shares
    Share 39 Tweet 25
  • Estudyante, nasawi matapos bumangga ang motorsiklo sa puno ng niyog sa Calatrava

    1035 shares
    Share 414 Tweet 259
  • Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

    67 shares
    Share 27 Tweet 17
  • Mga gamot na bawal pagsabayin: Biogesic, Neozep, atbp.

    26915 shares
    Share 10819 Tweet 6707
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Mahigit 23,000 pamilya sa Romblon, nakatanggap na ng tig-10 kilo ng bigas mula sa Prov’l Gov’t

Seguridad ng mga mamimili sa bagong bukas na Hataw Shopping Center, sinisiguro ng pulisya

PMNP training sa maternal at child nutrition, isinagawa sa MIMAROPA

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Clerk ng korte sa Romblon, sinibak ng Supreme Court dahil sa nawawalang ₱598,444 na pondo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up