Niyanig ng mahinang lindol ang isla ng Sibuyan sa lalawigan ng Romblon kaninang alas-9:16 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa ulat, isang magnitude 2.4 na lindol ang naitala sa timog-kanlurang bahagi ng Magdiwang, Romblon, at may tectonic na pinagmulan.
Ayon sa PHIVOLCS, hindi inaasahan ang anumang pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks kaugnay ng pagyanig.


































