Ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkoles.
Ayon sa PAGASA, ang tropical depression na namataan sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur ay pinangalanang Bagyong Ada.
Huli itong namataan sa layong humigit-kumulang 635 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, taglay ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at bugso na umaabot sa 55 kilometro kada oras.
Inaasahan ng PAGASA na magdadala ng maulap na kalangitan, pag-ulan, at malalakas na bugso ng hangin ang Bagyong Ada na maaaring makaapekto sa ilang lalawigan sa Bicol Region at sa bahagi ng Visayas sa mga susunod na oras o araw.


































