Nagsagawa ng relief operations ang Office of the Vice President (OVP) para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha at malalakas na ulan na dala ng Bagyong Crising, Dante, Emong, at habagat sa lalawigan ng Romblon nitong Agosto 27, 2025.
Sa pamamagitan ng OVP Disaster Operations Center (OVP-DOC), umabot sa 1,897 pamilyang apektado mula sa 15 barangay ng bayan ng Corcuera, Isla ng Simara, ang nakatanggap ng food bags at iba pang donasyong gamit.
Ayon sa OVP, karamihan sa mga benepisyaryo ay mga mangingisda na kabilang sa pinakatinamaan ng kalamidad.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang tanggapan sa lahat ng indibidwal, organisasyon, at pribadong sektor na nagbigay ng tulong at donasyon upang maibsan ang dinaranas na hirap ng mga apektadong residente.


































