Ibinida ng Romblon Police Provincial Office ang naging maayos na takbo ng halalan sa buong lalawigan ng Romblon.
Ayon kay Police Colonel Rexton Sawi, walang naitalang validated election-related incidents sa buong araw ng botohan at maayos na nakaboto ang mga mamamayan ng Romblon.
Bagama’t may mga naitalang paglabag sa liquor ban, agad umano itong naaksyunan ng mga awtoridad.
Nagpasalamat din si Sawi sa mga ahensya ng pamahalaan, media, volunteers, at mamamayan ng Romblon sa naging pagtutulungan para maisagawa ang halalan nang maayos.
Dagdag pa niya, magpapatuloy ang pagbabantay ng kapulisan hanggang sa matapos ang mga aktibidad na may kaugnayan sa halalan gaya ng pagbabantay sa canvassing centers at transmission hubs.


































