Tumanggap ang lokal na pamahalaan ng Looc ng halagang P1,105,292 mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Mimaropa.
Ang nasabing pondo ay para sa livelihood program ng ahensya na layuning suportahan ang kabuhayan ng 42 na mga residente ng Looc.
Ang mga proyektong pangkabuhayan na inaasahang maisakatuparan ay ipatutupad sa pamamagitan ng Public Employment Services Office ng munisipyo upang magbigay ng tamang tulong sa mga nangangailangan.
Kasama sa seremonyal na pagtanggap ng tseke ang DOLE Mimaropa Regional Director na si Naomi Lyn Abellana, Looc Mayor na si Lisette Arboleda, at DOLE Romblon PD na si Carlo Villaflores


































