Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways ang konstruksyon sa Barangay Carmen to Barangay Cawayan Road sa San Agustin, Romblon.
Ang nasabing kalsada ay magsisimula sa boundaries ng Carmen, San Agustin at Linao/Talisay sa Calatrava patungo sa Barangay Carmen kung saan matatagpuan ang sikat na Blue Hole ng San Agustin.
Nagkakahalaga ang proyektong ito ng mahigit P94M at pinunduhan ng DPWH. Inaasahang matatapos ito Pebrero sa susunod na taon.
Makakatulong ito para mas bumilis ang biyahe mula Calatrava patungong bayan ng San Agustin dahil mas maikling ruta na ang dadaanan ng mga sasakyan.


































