• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, November 6, 2026
27 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    DOLE, nagkaloob ng livelihood tools sa 11 benepisyaryo sa Corcuera

    DOLE, nagkaloob ng livelihood tools sa 11 benepisyaryo sa Corcuera

    FILE PHOTO. VOTERS REGISTRATION IN ODIONGAN ROMBLON.

    Comelec, magbubukas muli ng voter registration sa Nobyembre 10

    Zalameda, itinalaga ni Marcos bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema

    Zalameda, itinalaga ni Marcos bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema

    17% lamang ng MSMEs sa ASEAN, nakaka-access ng financing

    17% lamang ng MSMEs sa ASEAN, nakaka-access ng financing

    Gov. Firmalo-Fabic, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na produkto ngayong Pasko

    Gov. Firmalo-Fabic, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na produkto ngayong Pasko

    MySSS Card at piling serbisyo ng SSS, isasama sa eGovPH app

    MySSS Card at piling serbisyo ng SSS, isasama sa eGovPH app

    Natatanging produkto ng mga taga-Odiongan, pinuri sa Social Enterprise Week

    Natatanging produkto ng mga taga-Odiongan, pinuri sa Social Enterprise Week

    Kooperatiba at NGOs, hinimok na magtulungan para mapalago ang micro-enterprises

    Kooperatiba at NGOs, hinimok na magtulungan para mapalago ang micro-enterprises

    Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

    Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
27 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Blogs A Walk of Faith

Walk of Faith: It’s Okay Not To Be Okay

Romblon NewsbyRomblon News
October 5, 2020 - Updated On October 21, 2021
in A Walk of Faith, Blogs
Reading Time: 17 mins read
29
0
Walk of Faith: It’s Okay Not To Be Okay
Share on FacebookShare on Twitter

Alam ko ang pagkakakilala at pagkakaalam ninyo sa akin ay isang matapang na tao dahil nagagawa ko parin na maging positibo sa buhay sa kabila ng aking sitwasyon. Ang buhay ko ay parang bukas na libro sa publiko na aking ibinabahagi sa Social Media at sa column ko na ito sa Romblon News Network.

Halos lahat ay magagandang pangyayari sa buhay ko ang aking isinusulat, pampalakas ng loob at inspirasyon para sa lahat dahil ako po ay natatakot na magbahagi ng hindi magagandang nangyayari sa buhay ko lalo na patungkol sa kalagayan ng aking kalusugan. Natatakot ako na panghinaan din ng loob o mawalan ng pag-asa ang mga taong nasa paligid ko – ang mga taong kumukuha sa akin ng lakas at tapang.

Minsan tayo ay natatakot na magsabi na tayo ay mahina dahil nasanay na tayong malakas at kaya natin ang lahat. Mag-isa nating kinakaya ang mga problema at nilalabanan ang takot. Sa bawat saya na naipapakita natin sa iba… tayo pala ay tahimik na lumuluhang mag-isa. 

Dumarating ang araw na pinanghihinaan rin ako ng loob, umaatake ang hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman ng buo kong katawan – nagkakaroon ng lagnat, nerbiyos at panic attack. Dagdag pa ang stress sa mga problema na kaakibat ng aking kalagayan bilang isang paralitiko. Tahimik lang akong umiiyak minsan dito sa aking kubo habang tahimik na rin ang aking pamilya na natutulog kasama ng aking Anak.

Kahit may iniinda akong sakit, pilit ko itong nilalabanan para hindi nila malaman lalong-lalo na ng aking Anak dahil sa tuwing may lagnat ako o masama ang aking pakiramdam ay umiiyak siya at paulit-ulit na babalik dito sa kubo ko bago umuwi kina Mama para matulog.

May isang gabi na may lagnat ako at nanginginig ang aking buong katawan sa lamig, nakatalukbong na ako ng kumot ng biglang bumukas ang pinto ng aking kubo. Pumasok ang aking Anak habang umiiyak sabay abot sa akin ng kanyang suot na k'wentas na Rosaryo at sabay wika, “ Ma, pagaling ka na. I love you”.

Lumabas siya ng bahay nila nina Mama kahit dis oras na ng gabi at tulog na sila para lang i-check ako ulit at sabihin sa akin na mahal niya daw ako. Bumuhos ang aking luha sabay hawak sa k’wentas at ako ay nagdasal.

Sa isang Ina na katulad ko, na isang solo parent at may kapansanan, ang pagiging malakas at matatag ang una at huling bagay na dapat na  ipinapakita sa kanyang Anak. Dapat matibay ka at laging Okay para sa kanya dahil ikaw ang tumatayong Ama at Ina niya bukod sa iyong pamilya at dahil paninindigan mo ang pagiging isang matatag na Ina at kakayanin ang lahat ng hirap para sa kanya.

Pero hindi naman masama ang umiyak, ang magpakita ng kahinaan lalo na sa ating mga mahal sa  buhay, ang humingi ng simpatya sa ating mga kaibigan, ang maghanap ng atensiyon o humingi ng tulong sa ibang tao para kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan o kakulangan na ating nararamdaman at higit sa lahat, ang umiyak kay Lord.

Ang una nating dapat gawin ay sabihin sa Kanya ang lahat. Umiyak tayo hanggang gusto natin at ipinalangin sa Kanya ang lahat ng mga bagay na nagpapabigat at bumabagabag sa ating kalooban.

Malaya nating sabihin sa Kanya ang lahat ng problema at sakit na ating iniinda dahil Siya ang pupunas ng ating mga luha at papawi sa lahat ng kalungkutan na meron tayo. Tandaan na ang Kanyang awa at pagmamahal sa atin ay walang kapaguran at walang katapusan.

Ang laban ko ay patuloy at kakayanin ko kaya ang laban mo rin ay dapat ituloy at kayanin.

Ang laban ng bawat isa sa atin lalo na ngayong panahon ng pandemya ay dapat lang na isuko natin sa Diyos at ito ay siguradong kakayanin natin.

Sa Kanya tayo humugot ng lakas at kumuha ng pag-asa dahil tayo bilang tao lamang ay kaya nating sabihin na It’s Okay not to be Okay pero kay Lord, kung tayo ay patuloy na magtitiwala sa Kanya, ang lahat ay magiging Okay. Masasaktan, iiyak, pero hindi susuko dahil si Lord never Siyang susuko sa atin kung isusuko natin sa Kanya ang lahat. (Che Formilleza)

Related Posts

Gumot Falls, bagong tuklas na likas na pasyalan sa Cajidiocan

Gumot Falls, bagong tuklas na likas na pasyalan sa Cajidiocan

September 27, 2026
Bon Bon Beach sa Romblon, muli sa listahan ng World’s 50 Best Beaches

MIMAROPA itinatampok bilang “destination of choice”; Romblon, binida ang marble industry at mga beach

November 18, 2025

Popular Stories

  • Anim na estudyante, sugatan matapos magbanggaan ang tricycle at motorsiklo sa Romblon

    Lalaki, nasawi sa pananaksak sa Alad Island

    701 shares
    Share 280 Tweet 175
  • Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

    47 shares
    Share 19 Tweet 12
  • BE-FAST, gabay sa pagkilala sa mga babalang palatandaan ng stroke

    100 shares
    Share 40 Tweet 25
  • Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

    3022 shares
    Share 1209 Tweet 756
  • Love Angel Society, hinikayat ang pagre-recycle sa pamamagitan ng Heroween Party sa Sta. Maria

    15 shares
    Share 6 Tweet 4
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Madrona, isinusulong ang conversion ng RNIT bilang Romblon State Polytechnic Institute

PCSO Lotto Results – November 03, 2026

Marcos, naglabas ng EO para sa iisang patakaran sa suspensiyon at pagbabalik ng klase

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up