Nagsagawa ng facility inspection si JSSUPT Ray L. De Luna, Assistant Regional Director for Operations ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) MIMAROPA Region, kasama ang mga tauhan ng Regional Office, sa BJMP Romblon District Jail noong Agosto 25, 2026.
Layunin ng inspeksyon na masuri ang kondisyon ng pasilidad, mga security measures, at iba pang aspeto na mahalaga sa maayos at episyenteng pamamahala ng piitan.
Matapos ang inspeksyon, nagsagawa rin si De Luna ng Talk to Troops kasama ang mga tauhan ng BJMP Romblon District Jail.
Kabilang sa mga tinalakay ang wastong pag-iimbak at pangangalaga ng mga baril, mga usapin hinggil sa logistical supplies, at tamang pagpapatupad ng mga duty detail.
Binigyang-diin din ni De Luna ang kahalagahan ng patuloy na pagbabantay at mahigpit na pagsunod sa mga itinakdang security protocol upang maiwasan ang mga insidente tulad ng pagtakas ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL), pagkamatay, at kaguluhan sa loob ng piitan.
Hinimok niya ang mga nakatatanda at mas beteranong personnel na manguna sa pamamagitan ng mabuting halimbawa at magsilbing gabay at mentor sa mga bagong jail officer.
Ayon sa BJMP, mahalaga ang propesyonalismo, disiplina, pananagutan at pagtutulungan sa pagpapanatili ng ligtas, maayos at secure na kapaligiran sa loob ng mga piitan.
Bahagi ang aktibidad ng patuloy na pagsisikap ng BJMP MIMAROPA na palakasin ang seguridad at operational efficiency ng mga jail facility, gayundin ang pagsusulong ng mataas na pamantayan ng propesyonalismo sa hanay ng mga tauhan.


































Discussion about this post